Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cristine, mas binigyang halaga ang trabaho kaysa kay Derek

SHORT-LIVED realtionship lang ang namagitan kina Cristine Reyes at Derek Ramsay. Umabot lang ng isang buwan ang naging relasyon nila.

Tuwing tinatanong si Derek sa dahilan ng hiwalayan nila ni Cristine ay ayaw nitong magbigay ng pahayag. At kahit si Cristine ay hindi rin sinabi ang rason kung bakit nag-break sila ni Derek.

“Wala rin po akong sasabihin. Kasi, wala rin naman po talagang dahilan na major. Walang third party, walang hulihan, na tulad ng nasusulat ng iba. ”sabi ni Cristine.

Nabanggit din ni Cristine na napagdesisyonan nila ni Derek na mag-focus na lang muna sa kanila-kanilang career bago isipin ang tungkol sa kanilang lovelife.

“Siguro, ‘yon nga po, nandito kami o nandito ako sa point na parang kailangan ko muna i-grab ‘yung opportunities kung ano ang mayroon kami ngayon.

“And siya rin, pareho naman kami na parang ayaw din naman namin masyadong magtagal. I mean, gaya ngayon, while the iron is hot, ‘di ba, i-grab na muna namin.” aniya pa.

Kahit naghiwalay ang dalawa ay wala naman daw silang naramdamang panghihinayang sa nangyari sa kanilang relasyon.

“Wala kaming regrets, wala naman. Kasi, at least, ‘di ba, nag-try kami? Kasi, alam mo yung lahat na lang ng tao pine-pressure kami na, ‘O, ba’t di na lang kayo? Ba’t di na lang kayo?’

“Parang, ‘Magkaibigan nga kami, magkaibigan nga kami. ‘Yung mga tao, parang ayaw nila maniwala na magkaibigan kami. Nag-try kami, o tingnan ninyo kung ano ang nangyari?Magkaibigan talaga kasi kami.”

Claudine, ‘di pa raw tapos ang away nila ni Greta

NANINIWALA si Claudine Barretto na hindi pa tapos ang pagasasalita ng laban sa kaniya at sa kanilang ina ng nakaalitang kapatid na si Gretchen Barretto,

“Alam mo, the devil will always try, they will always try to bring you down. But in the end, they will never prevail. Ilan na sa Ten Commandments of God ang hindi niya nasusunod,”sabi ni Claudine patungkol kay Gretchen.

Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …