SABAY na nakita sina LJ Reyes at JC De Vera sa opening ng isang spa sa The Fort pero may nag-post na isang showbiz photographer sa Facebook na ayaw daw pakuhanan ng larawan ang dalawa. Common friend nina LJ at JC ang may-ari ng bagong bukas na spa.
Sabi ni LJ, wala naman daw nag-approach sa kanya at hindi niya alam. Wala naman daw problema at okey lang sa kanya kung kunan sila ni JC.
Okey din sa kanya at hindi isyu ang pakikipag-date ni Paulo Avelino kay KC Concepcion. Katunayan, may pagkakataon na gustong makipagbalikan si Paulo pero tinanggihan niya.
“Napagod ako,” deklara ni LJ na ayaw naman magdetalye sa kanyang kamartiran.
Buong ningning na sinasabi ni LJ na patuloy pa rin ang communication nila ni Paulo pero tungkol na lang sa anak nila ang pinag-uusapan.
Ang inamin lang niya ay nagbago lang ng ugali si Paulo at priorites mula nang sumikat ito at nagka-career sa ABS-CBN 2.
Nagkasundo sila na puwedeng hiramin ni Paulo ang baby nilang si Aki at twice na raw itong natulog sa condo unit ng actor.
Pinaghatian na rin nila ang joint savings account nila. Pero mas fresh at parang walang pasanin ang aura ngayon ni LJ ngayong hiwalay na siya kay Paulo, huh!
Nagbago daw ang priorities ni Paulo at plano sa buhay kaya siya ang nagpasyang makipaghiwalay.
Andrea at Carlo, kapwa nominado sa PMPC Star Awards for TV
NAPANSIN ng PMPC Star Awards for TV ang acting nina Andrea Brillantes bilang Best Child Performer nominee ganoon din si Carlo Aquino na nominado bilang Best Drama Supporting Actor sa seryeng Annaliza.
Feel namin ‘yung role ngayon ni Andrea (Annaliza) na hindi forever api-apihan. Tama lang naman ‘yung lumalaban siya at pinipilit niyang hindi maagrabyado. Nasa internet age na tayo kaya tama lang na lumaban ‘pag inaapi.
Yes, mas tumitindi ang away ng magkapatid sa ama na sina Annaliza (Andrea) at Arlene (Kyline Alcantara) sa pagpapatuloy ng kuwento ng top-rating primetime family drama na Annaliza. Natututo na nga si Annaliza na lumaban at ipagtanggol ang sarili sa pagmamalupit na ginagawa sa kanya ni Arlene. Mas lalala rin ang away ng mga inang sina Isabel (Denise Laurel) at Stella (Kaye Abad) na mauuwi pa sa matinding sampalan at sabunutan. Dahil dito kaya’t mas determinado si Stella na kunin ang dapat sana’y para sa kanya at akitin pabalik sa kanya si Lazaro (Patrick Garcia). Si Guido (Zanjoe Marudo) naman ay patuloy na hinahanap ang lugar niya sa buhay ni Annaliza habang si Makoy (Carlo) ay tahimik pa rin na nagmamanman sa kanila at naghahanda ng susunod na hakbang.
Patuloy na namamayagpag ang Annaliza sa time slot nito gabi-gabi. Base sa datos ng Kantar Media, nakapagtala ito ng average national TV rating na 24.9%. Huwag nang bibitiw sa makapigil-hiningang mga eksena sa Annaliza gabi-gabi, bago mag-TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN.
May charity event din ang Annaliza ngayong Huwebes (Nov. 14) sa Enchanted Kingdom.
Roldan Castro