Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sophie Albert ng Artista Academy, inirereklamo ng TV5 Marketing? (‘Di pa man daw sikat, maarte na)

TRULILI kaya ang tsikang nakuha namin na tila may problema si Artista Academy winner  ophie Albert sa Marketing department ng TV5?

Ayon sa tsika, may tampo ang mga taga-Marketing sa dalaga dahil noong minsang naimbitahan daw ito sa isang marketing event ay tila wala sa mood at nakasimangot, bagay na hindi na lang pinansin ng nag-imbita.

Bukod dito ay nagkaroon naman daw ng problema ang mommy ni Sophie sa taga-Toyota noong kini-claim na nito ang kotse ng dalaga.

“Nagtaray daw ang nanay ni Sophie noong kini-claim na niya ‘yung kotse, eh, siyempre hindi maganda ‘yun, di ba? Ang boomerang niyon sa Marketing kasi sponsor din ang Toyota. Eh, kung hindi na mag-sponsor ang Toyota, apektado ba si Sophie roon, hindi naman, ‘di ba?”pagkukuwento sa amin.

Isa pang kuwento ay ang sobrang mahal daw maningil ng talent fee si Sophie para sa isang piyesta gayung wala pa naman siyang napapatunayan kundi ang nanalo sa Artista Academy.

“Kinukuha siya para sa piyesta, by land lang naman, akalain mo, naninigil ‘yung nanay ng singkuwenta mil? Hello, kapapanalo mo pa lang, hija, agad-agad mataas na talent fee? Kumbaga, ii-introduce ka palang nga,” kuwento pa sa amin.

Wala kaming mai-react sa kuwentong ito sa amin dahil sa totoo lang, hindi nga namin ma-recall kung ano na nga hitsura ni Sophie Albert at kinailangan pa naming i-google ang pangalan niya para makita namin.

At doon lang namin natandaan na siya pala ‘yung sinasabing kamag-anak daw ni Kris Aquino dahil kapatid ng dating Presidente Corazon Cojuangco-Aquino ang lola ni Sophie na si Gng Josephine Cojuangco- Reyes (RIP).

Anyway, tinanong namin kung ano na ang programa ngayon ni Sophie  at biglang napaisip ang aming kausap sabay sabing, ”ano nga ba, i-research mo na lang.”

Samantala, trulili rin kaya na hindi na magkakaroon ng second season ang Artista Academy? ”Eh, hindi pa nga sumisikat ‘yung unang season, paano magkakaroon ng pangalawa? Pasikatin muna nila ‘yung first batch,” katwiran sa amin.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …