Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nay Cristy, Direk Joey, at Cong. Lucy, binastos sa TV5? (News department ng TV5, may paksiyon-paksiyon?)

NAGLABASAN kahapon ang tungkol sa malaking pagbabago ng talk show ng TV5 na Showbiz Police at nasulat din na binastos daw sina ‘Nay Cristy Fermin, Direk Joey Reyes, at Congresswoman Lucy Torres-Gomez dahil si Raymund Gutierrez na lang daw ang regular na host ng programa dahil ‘yung iba raw ay alternate.

Kaagad naming kinuha ang panig ni ‘Nay Cristy, “Anak, may mga pagbabagong magaganap (‘Showbiz Police’), hindi man kagandahan, gusto kong isipin na mas mapalad pa rin tayong ‘di hamak sa kalunos-lunos na kaganapan sa Kabisayaan.”

Hindi diretsang tinukoy ni ‘Nay Cristy kung kasama pa silang tatlo sa Showbiz Police, “babalitaan kita kapag pinal na,” maigsing sabi ni ‘nay Cristy.

Hindi lang pala sa entertainment production ng TV5 may gulo dahil maging sa news depatment din ay may isyu.

Kuwento sa amin ng isa sa executive ng Singko, “nakakaloka nga, sa news, nag-aalisan naman ang mga tao kasi hindi nagkakasundo. Paksyon-paksyon kasi roon, may grupo ng ABS-CBN at may grupo naman ng GMA (mga dating empleadong lumipat sa TV5).”

Ano ba ‘yang paksyon-paksyon na ‘yan, balik-tanong namin, “halimbawa, ‘yung dating taga-GMA, may malaking istorya siyempre ibibigay niya ‘yun sa desk na taga-ABS, na dapat sana ay maalagaan para lumaki, ang ending, dine-deadma kaya nawawala, kaya imbes na may malaking istorya sa news, nawawala na, kasi kanya-kanyang tao roon.”

Kung ganito ang nangyayari pala, paano makauusad ang TV5 kung sila-sila mismo nagkakagulo?

“Eh, lahat nga gustong bumida, kaya nag-aalisan na lang ‘yung mga hindi magkakasundo,” katwiran ng aming kausap.

Parang hindi namin nabalitaang ganito ang kultura ng ABS-CBN dahil kaya nga nawala na rin ang The Buzz at ginawang Buzz ng Bayan ay dahil pinagsama ang mga staff ng Showbiz Inside Report o SIR para lang hindi mawalan ng trabaho ang mga nasabing empleado lalo’t malapit na ang Disyembre.

Tanda namin na nag-resign na rin noon si Kris Aquino bilang host ng Kris TV, pero nakiusap ang management na 55 staff ng programa niya ang mawawalan ng trabaho kaya’t nag-stay pa rin ang Queen of All Media dahil hindi niya kayang may magugutom siyang empleado.

Kaya naman sobrang blessings ang nakakamit ng mga taong nagsi-share ng kanilang blessings, ‘di ba Ateng Maricris.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …