Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bangs, super kilig sa idine-date na atleta

SUMISIGAW sa Twitter si Valerie  ‘Bangs’ Garcia.

“Wrong info from #UKG earlier today! I got lots of messages from people asking who’s that mysterious BF. I don’t have one! I’m totally SINGLE.”

Ayon sa huling panayam kay Bangs, nakikipag-date siya sa isang atleta pero wala pang seryosohan. Kinikilig daw siya pero nasa getting to know each other pa lang ang stage nila.

Sarap na sarap pa siya sa pagiging single.

‘Yun, o!

Alex, type ang indecent proposal

BILANG isang kabataan ay kinunan ng reaksiyon si Alex Gonzaga sa pakikipagrelasyon ni Freddie Aguilar sa isang 16 years old.

“Huwag na tayong makialam sa kanila,” bungad niya nang makatsikahan naming ito sa anniversary concert ng Banana Split: Extra Scoop na mapapanood ang part 2 sa Nov. 9 sa ABS-CBN 2.

“Siyempre lahat naman tayo  ay may kanya-kanyang love story so, hayaan na natin sila. Depende ‘yan sa magulang niyong girlfriend niya, kung pumayag naman ‘yung parents o kung may basbas naman sa panliligaw ni Sir Freddie Aguilar, ‘wag na tayong makialam.

“Mali talaga ‘yun pero ayaw ko na..ha!ha!ha! ‘Wag na tayong makialam kasi baka naman talagang nagmamahalan sila at mahal nila ang isa’t isa,” sey pa niya.

Kung may manligaw sa kanya na kasing-edad ni Ka Freddie, okey lang ba sa kanya?

“So far, pinakamatanda na siguro na puwede kong i-entertain ay mas matanda sa akin ng nine years. Pero siyempre, hindi ko pa naman alam dahil wala namang nanliligaw sa akin na matanda kasi mukha naman daw akong bata. Ang tingin nila sa akin ay mga 17-18  years old, so, natatakot din siguro sila.”

Biro pa niya: ”Gusto ko nga na magkaroon ng ganoong indecent proposal sa akin pero wala. Hindi nila nakikita sa akin ng ganoong pananaw.

“Sa akin, basta  pabor sa nanay at tatay ko, walang problema sa akin,” pahayag pa ni Alex.

Talbog!
Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …