Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alex Castro Sunshine Garcia

Bulacan VG Alex Castro nagpasalamat sa suporta ng fans sa SexBomb, nakatutok pa rin sa problema sa Prime Water

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISA si Bulacan Vice Governor Alex Castro sa binigyan ng Plaque of Appreciation ng TEAM (The Entertainment Arts & Media) dahil sa walang sawang suporta niya sa mga proyekto ng aming media group.

After namin maibigay ang naturang plaque, nakahuntahan namin ang masipag na public servant at dito’y kinumusta namin siya.

Aniya, “Ganoon pa rin, trabaho pa rin tayo bilang Vice Governor ng Bulacan. Ang 2025 ay hindi naging madali para sa lalawigan natin dahil sa mga kontrobersiya na nangyari sa mga proyekto ng DPWH dito sa Bulacan. Pero move-on tayo, harapin natin ang 2026 nang may buong pag-asa. Siyempre tungkol diyan, may kaso na iyan e, bahala na ang national government diyan. Kailangan ay tutukan natin ang lumalaki pang problema ng mga kababayan natin na kailangang solusyonan.

“Ang maganda ay may mga pagbabago na kailangang ayusin, tulad nang maling gawain dati. Na ngayon ay ang local government na ang mangangasiwa sa pagawaing impraestruktura sa bawat nasasakupan nila.”

Esplika pa ni VG Alex, “Kapag dumaan kasi sa local, alam ng mga tao na dumaan sa local government, kapag hindi na-implement ng mayor, hindi na-implement ng governor nang maayos, may babalikan tayo. Hindi katulad nitong nangyari, hindi malaman kung sino ang sisisihin. So, mababawian natin sa election kung sino talaga ang may negligence at may korupsiyon na ginawa.”

Nagpasalamat din si VG Alex sa mga patuloy na sumusuporta sa SexBomb na ang misis niyang si Sunshine Garcia ay orig na member.

“Siyempre magpo-promote rin ako ng concert ng asawa ko, hahaha! Thankful tayo dahil ‘yung pagpasok ng 2026 ay maganda sa mga pinalaki ng SexBomb. Siyempre sa aking misis, I’m very proud of my wife dahil nakita ko iyong saya nila dahil nagsimula talaga na walang gustong mag-produce ng concert nila, hanggang sa tulongan na lang at eto, awa ng Diyos ay pang Rawnd 5 na. Na ang plano talaga ay isa lang, mairaos lang.

“Kasi, 25 years na nang huli silang magkakasama… Pero ‘yung dapat na sa isang maliit na venue lang, tapos napunta sa Araneta, hanggang sa nag-MOA at nasundan pa …  Kaya gusto ko rin magpasalamat sa mga tao sa suporta nila sa SexBomb dahil part nito ang asawa ko.”

Anong masasabi niya sa grupong Sex Bomb? “Oo naman, walang kupas, sa totoo lang, noong naging mag-asawa kami ni Shine o nang naging girlfriend ko siya, hindi na siya SexBomb. Noong panahon na may Daisy Siete, nag-aaral ako kaya hindi naman ako nakapapanood ng TV. So nang nakita ko siya, sabi ko, ‘Ganyan pala ang SexBomb, talagang iconic pala talaga kayo’.

“So, naging fan ako bigla, mapapansin ninyo sa mga video na lumabas, proud na proud talaga ako dahil nakita ko rin ang hilig ng wife ko, iyong ginagawa niya rati ay medyo bumalik. Na kahit nagdagdag na nang timbang dahil kapapanganak lang ay magaling pa rin… humahataw pa rin kahit mabibiyak na ‘yung tahi sa tiyan niya. Pero ganoon talaga e, passion niya iyan,” nakangiting sambit ni VG Alex na endorser din ng Beautederm ni Ms. Rhea Tan.

Ang Get Get Aw! RAwND 3 ay magaganap sa Feb 6, 2026, RAwND 4 – Feb. 7, 2026, at RAwND 5 – Feb. 8, 2026, lahat ay sa MOA.

Anyway, inusisa rin namin ang problema ng Bulacan sa PrimeWater. Tugon ni VG Alex, “Iyang PrimeWater na iyan, malaking problema talaga sa Bulacan. Dati pa ipinaglalaban na natin iyan, talagang kinakalampag natin iyan. Bago mag-election, na interview tayo ng isang national media, napakinggan tayo all over the Philippines. Dahil walang nagsasalita, dahil takot lahat sa may-ari, e.

“Naglakas loob tayo, napakinggan na ng Malacañang, hini-hearing na nga ngayon sa Senate, kasi walang power ang local government na pahintuin. Kailangan tulong talaga ng national government, ng LWUA… Pero kami gumawa na kami on our part, ng provincial resolution na lahat ng prangkisa at lahat ng JVAs ng bawat bayan sa PrimeWater ay kanselahin na. Mayroon din kaming rekomendasyon sa LWUA para makita na talagang we’re not happy sa serbisyo ng PrimeWater.

“Kaya nananawagan po talaga ako sa national government, ang problema ng PrimeWater ay napakalaki na nakaaapekto araw-araw sa taong bayan. Bulakenyo deserve better, hindi natin kailangan ang ganitong serbisyo. Na dapat ay pakialaman na at nang maiayos na ng national governemnt at ng PrimeWater ang serbisyo nila sa Bulacan. Hindi lang ito Bulacan problem lang, dahil pati sa Cavite at iba pang probinsiya na hawak ng PrimeWater, same problem.

“So, national problem na po ito na kailangan tutukan na ng ating pamahalaan, kaya nananawagan po ako sa kanila na ito ay maaksiyonan na agad. Kung talagang kailangan palitan na ang PrimeWater, alisin na, i-terminate na nila ang lahat ng contract, hayaan na natin na may bagong concessionaire, para may options ang mga tao na magserbisyo sa kanila.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …

Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle may mga bagong kalaban sa bagong yugto ng Roja 

PATULOY na sinusubaybayan ng mga manonood ang Roja, na umeere sa ALLTV2,  A2Z, Kapamilya Channel, at online na nakamit …

Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo dapat seryosohin pagiging dramatic actor

RATED Rni Rommel Gonzales BIDA sa Spring In Prague sina Paolo Gumabao at ang Macedonian actress na si Sara Sandeva. …

Andres Muhlach Bagets The Musical

Aga pinaiyak ni Andres;  Charlene, Mommy Elvie kinabahan  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IBA-IBANG komento ang narinig namin sa pagbibida ni Andres Muhlach sa Bagets, The Musical. May …