PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NAGBABALIK-TV na nga si Willie Revillame dahil nag-umpisa na ang pag-ere ng Wilyonaryo sa wilyonaryo.com, hindi sa TV5 gaya ng mga naunang naglabasang balita.
Hindi namin batid kung ano ang naganap sa unang sultada nito sa ere last January 27, dahil hindi pa namin ito nasilip pero may mga maagap na nagkomento na baka raw mahirap itong makita ng mga viewer na karamihan nga ay mga senior citizen na.
May ongoing talks and negotiations pa rin daw ito sa Channel 10 ng Cignal TV na unang napabalita na ito ang magiging major channel ng show.
Prior to it’s airing ay agad na nabahiran ng eskandalo si Willie dahil balitang muling lumabas ang pagiging ‘control freak o OA nito sa paninita’ sa mga katrabaho.
May tsismis ding nang dahil may halong ‘sugal’ ang format ng show kaya marahil nahirapan daw itong makakuha ng sponsors.
Well, lagi namang may ganyang kakambal na isyu sa bawat show ng isang Willie Revillame na nakisabay na nga rin sa paggamit at pagsagot ng personal na isyu tungkol sa kanya para lang sa promo ng show.
Ang aming tinutukoy ay ang hindi niya pag-deny sa pagkakaroon ng relasyon kay Sugar (Sex Bomb member at isa sa mga naging co-hosts niya sa ilang shows) at pagiging “tatay” nito sa mga anak ng dancer-host.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com