I-FLEX
ni Jun Nardo
ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro sa mga tao sa buong bansa ang slogan ng ahensiya ang, Responsableng panonood.
Nang mag-courtesy call ang bagong pamunuan ng MMPRESS o MultiMedia Press Society kay Chairwoman Lala, ibinalita niyang nagsasagawa ang MTRCB ng meeting, seminars, at iba pang information campaign para sa slogan ng ahensiya.
Kagagaling lang sa Dubai ni Chairwoman Lala para daluhan ang MMFF concert sa malaking venue roon. Present ang sikat nating performers gaya ni Bamboo at ang stars ng MMFF movies na nakihalubilo sa fans.
Sinabi ni Chair Lala na walang screening ng movies ng MMFF. Successful din ang concert na dinaluhan din ni First Lady Liza Marcos.
Natanong din namin sa kanya ang ukol sa pagsailalim ng MTRCB sa streaming apps gaya ng Netflix, Viu at iba pa.
“Nag-usap kami ng namamahala rito na magtulungan sa regulations ng ipinalalabas nila.
“Marami sila. Eh kakaunti lang ang members ng MTRCB. Kaya hindi namin kakayanin na rebyuhin lahat ng nasa streaming apps na palabas,” rason ng MTRCB Chairwoman.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com