Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Godwin Langbayan Rajae Dwight Del Rosario SEAG

Godwin Langbayan, Nag-uwi ng Bronze sa Jiu-Jitsu Fighting Class ng SEA Games

BANGKOK — Tinalo ni Godwin Langbayan si Rajae Dwight Del Rosario, 21-16, sa isang all-Filipino match upang makuha ang bronze medal sa jiu jitsu men’s -62kg fighting class sa Ronnaphakat Building sa Navaminda Kasatriyadhiraj Royal Thai Air Force Academy nitong Miyerkules.

Ibinigay ni Langbayan ang unang medalya ng Pilipinas sa jiu jitsu matapos ang isang mahabang araw kung saan nabigo ang kanyang mga kasama na makapasok sa medal matches sa men’s at women’s divisions pati sa duo classic competition.

Nakuha rin ng 36-anyos na si Langbayan ang kanyang pangalawang SEA Games medal, kasunod ng bronze sa kun bokator noong 2023 SEA Games sa Cambodia.

Ayon kay Langbayan, hindi sila nagbigay-daan kahit teammates sila ni Del Rosario.

“Against sa teammate natin, wala pa ring bigayan kasi nag-iisang medal lang ‘yung kukunin natin, so best of the best na lang ‘yung ginawa namin,” sabi ni Langbayan.

Natalo si Langbayan sa unang laban kontra kay Vietnamese Le Kien, 14-14, matapos siyang maparusahan dahil sa uncontrolled punch sa endgame. Pero bumawi siya at nanalo via ippon laban kay Khamkeo Vilayphone ng Laos.

Nakuha nina Thai athletes Suwijak Kuntong at Naphat Mathupan ang gold at silver, habang si Dao Hong Son ng Vietnam ang isa pang bronze medalist.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

Bomb Threat Scare

Empleyado ng NAIA tiklo sa ‘bomb joke’

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang empleyado ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 matapos …