BANGKOK – Nakakuha ng unang silver medal para sa bansa ang mga Filipino taekwondo jins nitong Miyerkules sa 33rd Southeast Asian Games.
Nasungkit ng trio nina Rodolfo Reyes, King Nash Alcairo, at Ian Corton ang silver sa men’s recognized poomsae team event na ginanap sa Fashion Island Shopping Mall sa Bangkok, Thailand.
Maganda ang ipinakita ng Pilipinas ngunit natalo sila sa Indonesia sa finals.
Mas maaga, nagdagdag din sa medal haul ang mga taekwondo jins na sina Patrick King Perez at Jocel Lyn Ninobla.
Nakakuha ang duo ng bronze sa mixed pair recognized poomsae event.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com