Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
GMA Sparkle Trenta 30th Anniversary Concert

Ika-trentang anibersaryo ng Sparkle GMAAC dinumog

RATED R
ni Rommel Gonzales

DUMAGUNDONG ang tilian at palakpakan sa MOA Sky Amphitheater noong Sabado ng gabi, November 15, sa ginanap na 30th anniversary ng Sparkle GMA Artist Center.

Pinamagatang Sparkle Trenta: The 30th Anniversary Concert, mistulang nagbabaan mula sa langit ang mga bituin dahil halos lahat ng big stars ng Sparkle GMA Artist Center ay dumalo, kumanta, sumayaw, at nakipag-bonding sa napakaraming fans na dumagsa sa venue galing pa sa kung saan-saang sulok ng Piipinas.

Hindi magkamayaw ang fans sa hiyawan sa song number ni Alden Richards, at winner ang magkakahiwalay na solo production number ng tatlong prinsesa ng network na sina Barbie Forteza, Bianca Umali, at Jillian Ward.

Sobrang natuwa kami na naroroon ang ilan sa mga produkto ng StarStruck mula sa iba’t ibang batches!

Aminin natin, phenomenal ang naging marka ng nabanggit na artista search na ilan sa mga produkto ay mga big stars ngayon tulad nina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Mike Tan, Sef Cadayona, Cristine ReyesKatrina Halili at marami pang iba.

Nakabibingi ang tilian paglabas onstage ng phenomenal housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na sina Mika Salamanca, Michael Sager, Shuvee Etrata, Vince Maristela, AZ Martinez, Josh Ford, at Charlie Fleming.

Napakaguwapo ni Miguel Tanfelix at suwabeng sumayaw. Bongga ang production number ng mga Sang’gre ng Encantadia Chronicles na sina Bianca, Faith da Silva, Kelvin Miranda, at Angel Guardian.

Humataw sa sayaw ang magkapatid na sina Rodjun at Rayver Cruz at makailang ulit umawit si Julie Anne San Jose, kabilang na ang finale number na bagong theme song ng Sparkle.

To-the-max ang aliw na hatid ng Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas pati nina Boobay, Jason Gainza, at Betong Sumaya.

World-class din ang performance nina Michelle Marquez Dee, Rita Daniela, Boys of Summer, Sparkle Cuties and Beauties at marami pang iba.

Sa totoo lang, ang cute ng number ng mga pagkakaguwapong sina Jeric Gonzales, Royce Cabrera, Kristoffer Martin, Jake Vargas, Anthony Constantino, Jay Gonzaga, at Matt Lozano, at hindi rin nagpahuli sa papogian ang hosts na sina Martin Javier, Anthony Rosaldo,  at Brent Valdez.

To-the-max din ang performance level ng iba pang GMA at Sparkle stars na sa dami ay hindi na namin maisa-isa.

Naging triple celebration din ang gabing iyon dahil birthday nina GMA lady boss Annette Gozon-Valdes at Sparkle executive na si Joy Marcelo.

Punompuno ang venue ng fans, pamilya, kaibigan at mga taga-suporta ng mga bituin ng GMA at Sparkle na karamihan ay nag-uwi ng mga premyo dahil napakaraming ipina-raffle na prizes mula sa generosity ng sponsors.

May video greetings sina Richard Yap, Cristine Reyes, David Licauco at iba pa na hindi nakarating.

Nakaka-touch ang emosyonal na mensahe ni Iza Calzado at pag-acknowledge niya sa naging malaking bahagi ng GMA sa kung ano at sino siya ngayon.

Walang duda, isa si Iza sa mga sikat at mahusay na aktres ng kanyang henerasyon.

Ang GMA ang unang naging tahanan ni Iza bago lumipat ng estasyon.

Sa Sparkle GMA Artist Center, happy Trenta!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …