AYAW ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na umabot ng 40 bago siya magpakasal. Hindi raw maiaalis sa isang lalaki na dumaan sa isip nila ang mag-propose sa girlfriend.
“Isa sa mga bagay din ‘yon na nilu-look forward. Kung kailan man ‘yon ay hindi natin alam, at kung paano. Nakilala ko siya (Marian Rivera) at the right place and at the right time. I think it will also come na there’s a right place and right time for that,” deklara ng 33-anyos na aktor.
Basta ngayon pinaghahandaan niya ang lahat. Magpapagawa na siya next year ng sarili niyang bahay dahil gusto niya stable ang lahat bago siya mag-asawa. Idinenay niya niya na ‘engaged’ na sila ni Marian na nagsimula lang daw sa pang-uurirat ni Kris Aquino.
Nakatuon ngayon ang atensiyon ni Dong sa kanyang serye na dream niyang mai-guest ang Star For All Seasons na si Gov. Vilma Santos.
Roldan Castro