RATED R
ni Rommel Gonzales
GAGANAP bilang aktibistang si Paz ang theater actress na si Sheila Ferrer sa Jeproks, The Musical.
Paano siya nakare-relate sa kanyang role?
“Nakare-relate ako kasi especially with what’s happening in the country now, alam ko ‘yung feeling na may ipinaglalaban ka and you’re demanding for what is right, you’re fighting for what is right and what is just.
“So, ayun, very ano siya sa akin ngayon, relevant and relatable,” saad ni Sheila.
Mayroon ba siyang frustration bilang isang theater artist?
“I think, especially kapag magpe-present ng original work, mahirap at worst ipakilala at kung paano matatanggap ng audience.
“Pero maganda kasi ‘yung pagkakagawa ng story and ‘yung music. So, ayun. I think magugustuhan talaga ito ng audience, dahil sobrang relatable ng story and maganda ‘yung music. Maganda ‘yung pagkakasulat ng script.”
Ang setting ng Jeproks, The Musical ay 70s.
Ini-research ba ni Sheila kung ano ang mga ganap noong panahon na iyon para sa context ng kanyang karakter?
“Yes, actually may mga pinanood akong mga interview ng mga tao noong time na ‘yun kasi ‘yung role ko, activist and set pa siya sa 70’s, so malayong-malayo siya sa akin.
“Pero nakatutuwa, nakai-inspire, and nakikita ko na itong story na ‘to magiging way siya for me to tell their story, yung mga tao na na-experience ‘yun, ‘yung time na ‘yun.
“And also, ang dami ko ring natututunan sa mga na-experience….’yung mga pinanood kong interviews, ‘yung part niyong time na ‘yun.
“So, exciting siya. Excited ako to tell the story.”
Paano ang mga naging preparations niya para sa role?
“May mga pinanood akong interviews, and also, pinakinggan ko ‘yung mga music ni Mike Hanopol.
“Actually, I’m a classically trained singer, I’m an opera singer, pero I also listen to rock music. So, maganda rin siyang experience for me para mas mag-grow ako as an artist.
“So ‘yun, and ang ganda rin niyong mga areglo, mga arrangement ng songs. So iyon. I read stories from before, ‘yung political climate noon, noong time na ‘yun.”
Ang Jeproks, The Musical ay kuwento ng magkakaibigang Mico (David Ezra), Willie (Jeffrey Hidalgo) at Paulo (Nino Alejandro).
Inspired ito ng mga awitin ng Pinoy rock icon na si Hanopol at mapapanood sa GSIS Theater sa Roxas Boulevard mula November 20 to 30, 2025.
Ilan sa hits ni Hanopol kasama ang The Juan dela Cruz Band ay ang Laki Sa Layaw, Himig Natin, Titser’s Enemi # 1, Balong Malalim, Buhay Amerika, Beep Beep at marami pang iba.
Produced ng Tanghalang Una Obra (ni Frannie Zamora na siyang direktor ng musical play) at ng The Hammock Productions, Inc., available ang tickets para sa Jeproks, The Musical sa Ticketworld at sa www.ticket2me.net.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com