AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan
UNANG pinarangalan bilang Hall of Fame sa larangan ng pakikipagnegosyo ang Quezon City Local Government Unit (QC-LGU) noong administrasyon ni dating House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte, Jr. bilang alkalde ng lungsod.
At heto nga, nitong nagdaang linggo ay muling nasungkit ng QC LGU ang parangal “Hall of Fame” para sa taong kasalukuyan, 2025 – ito ay bilang “Most Business-Friendly Local Government Unit (LGU)”.
Sabi ko nga e, mana-mana lang iyan. Sino ba ang kasalukuyang alkalde ng QC – na most awarded mayor sa National Capital Region (NCR) para kilalanin din bilang most LGU ang lungsod, hindi ba si Mayor Joy Belmonte? Tama, si Mayor Joy nga po. E kaninong anak ba si Mayor Joy?
So, gets n’yo na my dear QCitizens ang ipinupunto natin? Si Speaker Belmonte ang alkalde noong gawaran ng HoF ang QC LGU habang si Mayor Joy naman ngayon ang alkalde nang kilalanin ang LGU bilang HoF ngayong 2025. Mana-mana lang iyang good leadership o good governance.
Ano pa man, ang parangal na FoH City Level 1A ay iginawad ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) patunay na ang lungsod ang nangunguna bilang “leading model for good governance at ease of doing business” hindi lang sa Metro Manila kung hindi sa buong bansa.
Sa okasyon, mismong si Mayor Joy Belmonte ang tumanggap ng parangal na nasa ilalim ng kategoryang Highly Urbanized Cities sa National Capital Region (NCR). Kasama ng alkalde si Business Permits and Licensing Department (BPLD) Head Margie Mejia. Ang okasyon – 51st Philippine Business Conference & Expo na ginanap sa SMX Convention Center Manila sa Pasay City.
Ito na ang ikatlong consecutive victory ng Quezon City sa PCCI awards.
“The recognition highlights the city’s unwavering commitment to streamlined, transparent, and technology-driven business processes, championed by the BPLD and the Economic Development team, positioning Quezon City as one of the most trusted and dynamic business hubs in the country,” pahayag ni Belmonte.
“This Hall of Fame recognition is proof that good governance and innovation can go hand in hand. Through the dedication of our Economic Development Team and the trust of our business community, Quezon City continues to lead the way in making sure that #BizIsEasy because progress becomes possible when we make it easy to do business,” dagdag ng alkalde. (30)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com