TAHASANG sinabi ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na hindi lamang ang mga politikong nasasangkot sa isyu ng korupsiyon at ilang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nakahihiya kundi ang buong bansa at bawat mamamayang Filipino.
Ayon kay Cayetano mismong ang kababayan nating overseas Filipino workers (OFWs) ay apektado nito dahil repleksiyon ito ng pagtingin sa kanila ng ibang lahi.
Bukod dito, lubhang apekatdo ang ekonomiya ng bansa dahil sa insidente kung kaya’t maging ang mga namumuhunan ay nagkakaroon ng pagdududa.
Naniniwala si Cayetano na tila mayroong isang script at orchestra upang ilayo ang katotohanan sa publiko dahil sa mga isyung patuloy na lumalabas.
Binigyang-diin ni Cayetano, kung noong una pa lamang ay sinampahan na ng kaso ang ilang mga kontratista at opisyal ng DPWH na umaming mayroong ghost project/s ay tiyak na maniniwala ang publiko lalo’t may mga umamin na at may ebidensiya.
Iginiit ni Cayetano na tila nililihis sa katotohanan ang lahat kung kaya’t pati ang mga miyembro ng mayorya sa senado ay kung ano-anong akusasyon ang ibinabato.
Samantala, naniniwala si Cayetano na tila nagkamali sa impormasyon si Ombudsman Jesus Crispin Remulla na dapat ipatupad ang kautusan noong noong 2016 na pag-dismiss kay Senador Joel Villanueva.
Ayon kay Cayetano, tila maling impormasyon ang ibinigay kay Remulla ng kanyang tauhan kung kaya’t hindi nila batid na mayroong panibagong desisyon noong 2019 na nilagdaan ni dating Ombudsman Samuel Martirez.
Magugunitang bukod sa kopyang isinapubliko ni Villanueva na nilagadaan ni Martirez at tinukoy na nakakuha rin siya ng clearance certificate.
Walang payong dapat ibigay si Cayetano kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III lalo’t siya ay ama hindi lamang ng mayorya kundi ng 24 senador.
Nanindigan si Cayetano kung sinuman sa miyembro ng mayorya halimabawa si Senadora Risa Hontiveros ang akusahan ng katulad kay Villanueva ay handa rin niyang ipagtanggol at tayuan.
Nagtataka si Cayetano na kapag ang testigo ay idinawit ang pangalan ng miyembro ng miyorya ay mayroon itong kredibilidad ngunit pag hindi minorya ang binabanggit nawawala ang kredibilidad bilang isang testigo.
Tinukoy ni Cayetano na kapag miyembro ng minorya, ang tawag ay insertion; ngunit kapag mayorya ang tawag ay ammendments na kitang-kita ang pagkakaroon ng ‘dungis’ agad.
Buo ang paniniwala ni Cayetano na napangalanan na ang tunay na mastermind at mayroong mga ebidensiya ngunit kulang ang kasong isasampa laban sa kanila.
Naniniwala si Cayetano, gustong-gusto talagang dungisan at wasakin ang kredibildad ng senado kung kaya’t iniisa-isa ang mga senador. (NIÑO ACLAN)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com