Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lotlot de leon Near Death Charlie Dizon Xyriel Manabat Soliman Cruz RK Bagatsing Richard Somes

Lotlot may panawagan — everyone should always look out for others

RATED R
ni Rommel Gonzales

ANG horror film na Near Death ay may tema tungkol sa suicide na kaakibat ng near death experience.

Tungkol din sa depresyon, anxiety at multo ang pelikulang ito ni direk Richard Somes.

Isa sa mga pangunahing artista sa pelikula ay ang mahusay na aktres na si Lotlot de Leon.

Kaya tinanong namin si Lotlot kung sa tunay na buhay ba ay nagkaroon na siya ng mga karanasang may kinalaman sa pelikula?

Lahad niya, “Sa multo, oo. May mga…. oo, mayroon, may experience.

“Pero ‘yung ano, [about suicide], hindi! Lord! Takot ako,” at natawa ang aktres.

“Oo, mumu lang ang na-experience ko.”

Ano ang maibabahagi niya tungkol sa sitwasyon ng pagpapatiwakal na isang nakalulungkot na parte ng komunidad sa kahit na anong bansa?

I think it’s good that everyone should always look out for others. 

“Hindi naman masama na kamustahin ninyo or maybe be a little kinder to everyone you meet.

“Kasi hindi natin din alam kung ano ‘yung mga pinagdaraanan nila.

“So I think that’s also something that they can take out from the film.”

Kasali ang Near Death (na prodyuser din si direk Richard) sa Sine Sindak Film Festival sa mga SM Cinema.

Bida rito si Charlie Dizon na kasama rin sina Xyriel Manabat, Soliman Cruz, at RK Bagatsing.

Produced ng Diamond Productions, CMB Films, at RVS Studios, ang Near Death ay mapapanood sa mga sinehan simula October 29, 2025.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …