Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alex at Arjo, madalas na nag-uusap sa backstage

BUONG ningning na tinanong si Alex Gonzaga sa taping ng  5th anniversary presentation ng Banana Split: Extra Scoop kung ano ang masasabi niya na crush siya ni Arjo Atayde.

Hindi naman daw nanliligaw sa kanya si Arjo pero nahuhuli sila sa backstage ng Music Museum na nagkukuwentuhan. Guest din kasi si Arjo sa nasabing gag show.

Sabi ni Alex hangga’t maaari ayaw niya munang may karelasyon dahil hindi pa siya ready.

“Sabi nga ni ate (Toni Gonzaga) ko, immature ako, huh! Nag-drama?”

Tinanong din kasi sa kanya ‘yung non-showbiz guy na manliligaw niya.

Kilala na ba ng parents niya?

“May idea sila. Kilala na siya ng ate ko pero hindi ko pa rin  ano.. sana maging okey. Iba kasi kami ng mundo. Basta hindi kami masyadong ano.. pero as now okey naman,” sambit niya.

Paulo, itinangging binigyan ng bahay ng isang rich gay

AKTIBONG muli si Paulo Avelino at mukhang hindi na siya boring kausap. Naging honest na itong sumagot sa tunay na estado nila ni LJ  Reyes. Medyo matagal na rin silang hiwalay at may karapatan daw lumigaya si  LJ kung tumatanggap na raw ito ng mga manliligaw.

Bakit pareho na silang umaamin na hiwalay na?

“Sabi nga nila, may tamang panahon para magsalita, may tamang panahon para  umamin. Siguro, sumakto na rin sa panahon ko ngayon para masabi kung ano ang totoo,” bulalas niya.

Sa Nov. 6 na ang showing ng pelikulang Status” It’s Complicated na  kasama niya sina Jake Cuenca, Eugene Domingo, Maja Salavador, at Solenn Heussaff.

Bukod dito, balik teleserye Rin siya dahil gaganap siyang ama ng batang si Raikko Mateo para sa Honesto ng ABS-CBN 2. Kasama rin sa serye sina Maricar Reyes, Eddie Garcia, Janice de Belen, Angel Aquino, Nonie Buencamino, Joel Torre, Melissa Ricks, at Joseph Marco. Kokompleto sa powerhouse cast nito sina Malou Crisologo, Melai Cantiveros, Jason Francisco, Michael Conan, Josh Ivan Morales, at Janna Agoncillo.

Anyway, tinanong din si Paulo kung totoo ang isyung binigyan siya ng bahay ng isang rich gay na malapit sa bahay ni Coco Martin. Itinanggi niya na may sarili siyang bahay ngayon.

“Ang sarap naman niyon kung nagkabahay ako,” sey pa niya na tumatawa. “Hindi,” mariin  niyang pagtanggi.

“Kahit naman siguro kaibigan ko pa  ‘yung nagbigay ng bahay parang hindi pa rin..mas gusto kong namnamin ‘yung mga bagay  na pinagtrabahuan mo, pinaghirapan ko,” bulalas pa niya.

‘Yun na!

Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …