Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, sumama ang loob sa fans ni Kim dahil sa favouritism issue

BALIK-TRABAHO na  si Kris Aquino  pagkatapos ng limang araw nilang bakasyon sa Japan kasama ang dalawang anak na sina Josh at Bimby, ang ever loyal staff nilang si Alvin Cagui at business unit head ng Kris Reali-TV at Buzz ng Bayan na si Louie Andrada.

Pangako kasi ng Queen of All Media sa dalawang anak na kapag nagpakabait sila ay iti-treat sila sa Tokyo Disneyland na gustong-gustong pumunta nina Josh at Bimby.

Bukod dito ay tapos na rin ang mag-ina sa shooting ng Little Bossings na entry ngayong 2013 Metro Manila Film Festival kasama sina Ryza Mae Dizon at Vic Sotto.

Samantala, sumama ang loob ni Kris sa fans ni Kim Chiu dahil sinabihan siyang may favouritism dahil noong nakaraang linggo bago siya tumulak ng Japan ay si Bea Alonzo ang guest co-host niya para sa promo ng She’s The One na kasalukuyang kumikita pa rin sa takilya ngayon.

Ayon sa pahayag ni Kris sa Kris Reali-TV, ”doon sa fans na gumagawa ng intriga ha, don’t be intrigero. May fans na gumagawa ng intriga na hindi ko sinamahan si Kimmy, I did.

“Sabi ko, ‘Kimmy, sabihan mo sila (Kim’s fans), na-hurt talaga ako.’ Kaya sabi ko, sana, they’re not like that to make intriga kasi puwede naman talaga to love everybody.”

Hindi raw dapat ikompara sina Kim at Bea at hindi raw porke’t nag-guest si Bea sa Kris TV ay ang dalaga na ang mahal ng TV host.

“Kapag puro si Bea ang nakikita niyo (sa ‘KrisTV’) it doesn’t mean na si Bea lang ang love. It just so happens na siya lang ang nagbigay ng oras ngayon and right after this, si Kimmy naman ang kasama ko, so parang I mean, halatang-halata n’yo naman kung sino ang mga favorite ko. Hindi ko naman itinatago ‘yun, ‘di ba? It’s obvious. So, sana, walang ganoong intriga,”paliwanag mabuti ni Kris.

Mukhang may malalim na pinanggagalingan ang isyung ito dahil nga si Bea ay minsang na-link kayGerald Anderson na ex-boyfriend naman ni Kim, eh, ‘di ba lahat ng na-link kay ‘Ge, hindi type ng fans ni Kimmy?
Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …