RATED R
ni Rommel Gonzales
PHENOMENAL ang popularidad ng mga housemate ng PBB Celebrity Collab Edition ng GMA at ABS-CBN.
Natanong si Ralph de Leon, isa sa mga sumikat sa loob ng Bahay ni Kuya kung paano niya nadadala ang kasikatan ngayon?
“Well, ako talaga, it’s important for me to stay grounded.
“Alam namin na grabe talaga ‘yung ibinibigay sa amin na blessings ngayon, sa buong batch namin. Mula sa first evictee hanggang sa big winner namin, lahat very, very blessed.
“So ngayon nandito na kami, na siguro you can call it fame, you can call it whatever, pero para sa amin, we’re really trying to cherish the moment, really make the most out of all the opportunities na ibinibigay sa amin.”
Nakausap namin si Ralph sa book launch ng life coach na si Pia Acevedo, ang Here & Now: Moment to Moment sa Pavilion 1, Samba, Level 8 ng Shanghai-La The Fort sa BGC.
Kaibigan ni Ralph ang anak ni Pia kaya dumalo siya sa launch ng libro.
Samantala, kung babalikan ang naging journey ni Ralph sa Bahay Ni Kuya, bukod sa pagpapakatotoo, ano ang mga value na nakatulong sa kanya to survive?
“Unang-una, dasal, can’t forget about that. Kasi ang dami mo talagang hindi masasabi sa ibang tao na itataas mo na lang talaga sa Kanya.
“Next, siyempre kailangan marunong kang makisama, because you’re going to be in that house with how many other people for who knows how long.
“Kaya kailangan talaga marunong kang makisama, marunong kang maki-mingle and really, you also have to take time for yourself.
“So kung ano mang sulok sa bahay na you can really just find your own space, your own time to reflect and just go back to your core. Kaya importante din ‘yun.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com