Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Elwood, gustong gumawa ng horror movie (Nakakuha ng idea sa Philippine Stagers Foundation)

110413 elwood

SOBRANG saya ang ginanap na Halloween party ng Philippine Stagers Foundation ni Direk Vince Tañada last Oct. 30.

Bukod sa malalapit na kaibigan at mga press people, kabilang sa guest ni lawyer-actor-theater guru na si Atty. Vince ay si Direk Elwood Perez, na siyang director ng una niyang pelikulang pinamagatang Otso.

Sa naturang okasyon, diretsahang sinabi ni Direk Elwood na sobra siyang humanga sa galing at pagiging creative at artistic ng mga miyembro ng Philippine Stagers Foundation.

Dito ay nagpakitang gilas at naglaban-laban ang ilang grupo ng PSF sa kategoryang Best In Halloween Costume, Best Production Number na siyempre pa ay horror ang tema at ang makapanindig balahibong Best Short Film

Kaya nasabi rito ni Direk Elwood na ito ay nagbigay sa kanya ng idea na gumawa ng horror movie. Ganito more or less ang saad ng magaling na director, “Ang gagaling nila, very creative…Iba talagang genre ang horror, hindi ko pa ito nasusubukan at dahil sa nakita ko ngayong gabi, binigyan nyo ako ng idea na subukan din ang horror genre.”

Kasalukuyang ginagawa ni Direk Elwood ang pelikulang Object of Desire na siyang launching movie ng singer na si Ronnie Liang. Bale second movie naman ito ni Direk Vince na bagamat hindi bida rito ay gaganap naman ng mahalaga at markadong papel bilang suporta kay Ronnie. Si Direk Vince rin ang sumulat ng istorya nito.

Incidentally, nalaman namin kina katotong Robert Silverio at Direk Vince na ang naturang Halloween party sa PSF ay mapapanood sa pelikulang Object of Desire, kaya ang bunso kong siYsabelle Andrea na isinama ko that night  ay na-excite lalo at nagsabing dapat daw ay panoorin namin ang movie na iyon ni Direk Elwood.

Kabilang kami sa judge sa Best in Production number together with Ricky Calderon atPilar Mateo. Habang nasa stage kami, ibinulong ko kay JP Lopez na bagay na bagay ang costume niya bilang si Shrek at kung may fourth placer, siya na iyon.

Anyway, congrats sa mga nanalong PSF members sa masayang Halloween party nila. Kabilang dito sina:

Best in Costume: John San Antonio, First Runner Up: Mark Miranda Second Runner Up-Jenny Monteyola, Third Runner Up-Nikki Joy Villaviray.

Best Production Number: The Blind Russians, headed by JM Encinas.

Best Short Film: Infinite Curse, starring Jordan Ladra, Cherry Bagtas, Chin Ortegaand Poul Garcia, directed by Daryl Cajucom.

Magiging abala rin ang PSF sa kanilang dalawang play ngayon, ang Bonifacio, Isang Sarsuwela at Pedro Calungsod, The Musical. Kaya hindi ninyo ito dapat palagpasin dahil bukod sa mga aral na matutunan, ang gagaling ng PSF at sulit na sulit ang ibabayad ninyo sa entrance.

Paulo Avelino, umaming nagde-date sila ni KC Concepcion

INAMIN ni Paulo Avelino na nagde-date sila ni KC Concepcion. Sinabi niya ito kahapon sa panayam sa kanya ni Kuya Boy Abunda sa Buzz ng Bayan.

Tatahi-tahimik itong si Paulo, pati na sa hiwalayan nila ni LJ Reyes, iyon pala ay si KC ang pinupuntirya ng actor. Akala pa naman ng iba ay isang NBA player ang malapit sa puso ni KC, iyon pala ay pasimpleng dumidiskarte itong si Paulo sa dalaga ni Sharon Cuneta.

Ano naman kaya ang masasabi ni LJ sa rebelasyong ito ni Paulo? Nagdurugo kaya ang puso ni LJ dahil sa pangyayaring ito.

Si KC naman, hindi kaya maakusahang third party sa nangyaring hiwalayan nina LJ at Paulo?

Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …