RATED R
ni Rommel Gonzales
MINSAN talaga ang tadhana sa showbiz ay walang makapagsasabi.
Tulad na lamang ng career ni Bea Binene.
Si Bea ay dating Kapuso na marami na ring serye at TV shows na nagawa sa GMA at nagsimula bilang contestant sa StarStruck Kids noong 2004.
Hindi man nagkaroon ng solid na ka-loveteam noon, ngayon ay sikat ang tambalan nila ni Wilbert Rosssa Viva One. Bida sila sa seryeng Golden Scenery of Tomorrow.
“After GMA 7, nagkakaroon po tayo ng mga project na nagkaroon ng kasama sa show,” umpisang lahad ni Bea.
“But ‘yung masasabing loveteam talaga, ngayon lang ulit dito sa Viva. I am very excited.
“Napaka-talented ni Wilbert.
“Dati ko pa naman sinasabi na I feel like Wilbert is such a very reliable loveteam, at napatunayan ko ‘yun.
“I think masuwerte ka kapag nakahanap ka ng katrabaho at kapartner dito sa industriya that really takes care of you at hindi lang ‘yung mema.
“I feel very blessed to do this project with Wilbert.
“For this series, we want to know each other more and, I think, we’re still getting to know each other more.
“Rito sa series na ito, talagang we became really closer.
“He’s very into arts. Ako po, medyo maarte lang po ako. Talagang healthy lifestyle siya. Ako, medyo-medyo lang po.
“Pero there are things naman na nagkakasundo kami,” kuwento pa ni Bea.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com