Monday , December 8 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PNP PRO3 Central Luzon Police

Most wanted na pugante sa Central Luzon nasakote sa Bulacan

NAKAMIT na naman ng Police Regional Office 3 ang isang malaking tagumpay nang maaresto ang Top 1  Regional Level Most Wanted Person sa isinagawang operasyon sa Bulacan.

Sa ulat mula kay Police Regional Office 3 Director PBGeneral Ponce Rogelio I. Peñones Jr., ang naarestong akusado ay kinilalang si Rolando Toralba Estanislao, 35, negosyante at residente ng Brgy. San Roque, San Rafael, Bulacan.

Napag-alaman na dahil madulas ang akusado, dakong alas-12:05 kamakalawa ay nagtulong-tulong ang magkakasanib na puwersa ng Regional Special Operations Group 3 (RSOG3),-Regional Intelligence Division (RID3) sa ilalim ng pamumuno ni PLt. Colonel Leonardo Madrid, katuwang ang mga tauhan ng Intelligence and Operations Section (IOS-RID3), PIT Bulacan West-RIU, RID-Cyber Patrol Team, PIU Bulacan PPO, 302nd MC ng RMFB3, San Rafael MPS at Balagtas MPS, Bulacan PPO para maaresto ito.

Naaresto si Estanislao nang matiyempuhan ng mga operatiba sa kanyang bahay sa Brgy. San Roque, San Rafael, Bulacan bitbit ang warrant of arrest  para sa krimeng murder at attempted murder.

Ang warrant of arrest sa pag-aresto sa akusado ay inilabas ni Judge Theresa Genevieve N. Co, presiding judge ng Regional Trial Court, Branch 17, Malolos City, Bulacan, na walang itinakdang piyansa para sa kasong murder samantalang PhP120, 000.00 ang itinakdang piyansa para sa kasong attempted murder.

Kasunod nito ay pinuri ni PBGeneral Peñones Jr. ang operating team sa matagumpay na pagkakaaresto kay Estanislao na isang malinaw na walang kapagurang pagkilos ng kapulisan laban sa mga wanted na kriminal sa rehiyon. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Mga pulis na sangkot sa PHP14-M robbery sa  contractor sa Pampanga sinibak

LIMANG pulis, apat na nakatalaga sa Angeles City at isa sa Zambales ang kasalukuyang iniimbestigahan …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …