Sunday , December 7 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Topacio

Alegasyon sa lehitimong anti corruption protester,…
“Hinugot sa puwet”  —  Atty. Topacio

MARIING binansagan kahapon na “hinugot sa puwet” ang alegasyon laban sa mga lehitimong nagkilos-protesta kontra korapsyon, ang siyang nasa likod ng mga nagsagawa ng kaguluhan sa kasagsagan ng malawakang protesta noong September 21 2025 sa lungsod ng Maynila.

Pahayag ni Partido Demokratiko Pilipino (PDP) deputy spokesman Atty. Ferdinand Topacio, tahasan nitong binansagan na “hinugot sa puwet” ang akusasyong inu-ugnay siya at sina former Manila City Adminitrator, PDP-National Capital Region Office Bernie Ang sa mga rioters na nagpasiklab ng marahas na protesta kamakailan.

Kaugnay nito, Nanawagan si Topacio sa mga otoridad na tutukan sa imbestigasyon ang pagtukoy sa mga tunay na pagkakakilanlan ng mga taong naglagak ng piyansa para sa mga naarestong indibidwal na sinasabing sangkot sa karahasqn.

Sa naganap na regular na balitaan ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) na ginanap sa Century Seafood Restaurant sa Malate, Manila, inilahad ni Topacio na naroon siya sa naturang rally sa lungsod Maynila.

Inamin rin ni Topacio na siya mismo at isang dating pulis ang nagsilbi pang marshal ang nagbigay-alam sa kapulisan patungkol sa mga rallyista na naka-itim na damit, may suot na masks armado ng bats ang sumusunod sa grupo likuran ng grupo ni Topacio.

Giit ni Topacio na ang kasama lamang sa kanilang grupo ay mga indibidwal na lehitimong rallyista kontra korapsyon, binubuo ng mga estudyante at propersyunal na mga empleyado.

Pahayag pa nito Topacio na kinailangan pa aniya nilang

huminto sa isan-tabi upang ang mga kahinahinalang grupo ay makaraan at mahiwalay sa kanilang hanay.

Inilahad pa nito na mismong ang kanyang anak ay nakiisa sa rally kayat hindi niya hahayaan na masaktan ito o mabato sa ulo. “Kaya bakit ako magpapasimuno ng kaguluhan” pahayag pa ni Topacio.

Mistulang ikinatawa pa ni Topacio na pati umano ang kanyang partymate na si Bernie Ang, na isang ‘non-violent’ person ay isinasangkot sa kaguluhan .

“Ano naman ang mapapala niya? Na-achieve niya na lahat. He is a successful businessman and is the longest-serving Councilor who served Manila in different capacities where he established a good name based on service record. Bakit niya dudungisan ang pangalan niya para lang sa isang gulo na wala namang patutunguhan,” Giit pa nito Topacio.

Mismong mga pulis na ang nagsasabing ang mga rioters ay sinulsulan ng mga makakaliwa, noting how political personalities highly-identified with left-leaning organizations such as Gabriela, Kabataan and Akbayan have openly supported those apprehended and demanded their release,” Idinagdag pa ng abogado.

“Sino ba ang me history ng panggugulo? Sino ang enablers? Sino ang ayaw mag-condemn ng violence na nangyari?,” Seryosong pahayag pa ni Topacio kasabay ng kanyang paglalarawan sa tangkang iugnay ang PDP officials sa riot ay pagtatatangkang sirain ang tanging nalalabing legitimate’ opposition sa bansa.

“Dalawa pa sa idinadawit sa riot ay sina lawyer Vic Rodriguez at ex-Congressman Harry Angping, na hindi naman kasapi ng PDP, at balita rin na sina Ang at Angping ay ni hindi nag uusap they do not even see each other eye to eye”

Karagdagang pahayag pa ni Topacio patungkol sa isyu sa naganap na marahas na protesta.

(Ulat ni Brian B. )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …