Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zoren Legaspi Mavy Cassy Carmina Villarroel

Zoren hindi nangingialam sa personal na buhay nina Mavy at Cassy

RATED R
ni Rommel Gonzales

HINDI stage father si Zoren Legaspi sa kambal niyang sina Mavy at Cassy Legaspi.

Pati na rin sa personal na buhay at pag-ibig ng dalawa ay hindi siya nanghihimasok.

“Never. They have their own lives.

“They have their own journey. That’s their journey.

“Kung mahuhulog sa bangin, tinawag ang pangalan ko, roon lang ako darating.

“Pero hangga’t nandiyan ka, nadapa ka, hindi mo ako tinawag, wala ako roon. Hintayin kong tawagin mo ‘yung pangalan ko.”

Nagbibigay ba siya ng advice o payo sa kambal tungkol sa career at personal na buhay ng mga ito?

“Hindi eh! Kasi basta lagi ko lang sinasabi na unahin nila ‘yung trabaho nila over whatever, over ‘yung relationship.

“In general naman ‘yan, eh. Minsan kasi ‘pag tayo umibig, in general. ‘Pag tayo umibig, minsan nakalimutan natin ‘yung trabaho.

“So, ‘yun ang parang advice ko sa kanila.”

Bida at magkakasama sa unang pagkakataon sina Zoren, Cassy, Mavy,  at Carmina Villarroel sa Hating Kapatidbagong teleserye ng GMA.

Ano ang expectations dito ni Zoren?

“Yung excitement ng mga audience, ‘yung mga manonood,” bulalas niya. “Kasi lalo na ‘yung mga magulang, at hindi lang ‘yung mga magulang, ‘yung mga anak na naghahanap ng love ng isang magulang.

“So it’s really a family show na talagang magugustuhan nila ang story.”

At dahil first time na magkakasama ng Legaspi family sa isang serye, kinamusta namin ang kanilang sitwasyon, may awkwardness ba sa set?

“In fairness, everyone comes prepared, kaya ‘yung awkwardness nawawala.

“Kasi kumbaga sa basketball ba, nag-practice ka na mag-dribble, nag-practice ka na mag-shoot?

“So, ‘yung game time, parang, okay, acting na natin.

“Plus si direk naman very collaborative. 

“So, kapag mayroon kaming mga parang inputs sa mga eksena, pumapayag siya,” pagtukoy ni Zoren kay direk Adolf Alix.

“Madali siyang kausap, si direk Adolf, kaya mas napapadali at mas lalo kaming na-e-excite magtrabaho lagi.”

Napapanod na ang Hating Kapatid sa GMA Afternoon Prime simula kahapn, Lunes, October 13, 2:30 p.m..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …