RATED R
ni Rommel Gonzales
NAPAKAHUSAY ni Cherry Pie Picache sa pelikulang The Last Beergin, lalo na sa mga eksenang siya ay lasing. Very convincing kasi.
Kaya tinanong namin siya kung may experience na siya sa tunay na buhay, na nakatatawa o hindi niya malilimutan, na nalasing siya?
“Ayoko nga na nalalasing,” umpisang turing ni Cherry Pie habang tumatawa.
Pero masarap malasing, susog namin sa kanya.
“Pero masarap,” bulalas na pag-sang-ayon sa amin ni Cherry Pie, “pero ganyan na ako malasing,” pagtukoy niya sa mga chill na eksena niya sa pelikula.
“Tapos kapag alam kong gagawa or may mangyayari na, na dapat ko nang ikahiya, iyon na, ume-exit na ako.”
So, may kontrol siya sa sarili niya pagdating sa pag-inom ng alak.
“Yes… ng kaunti! Pero siyempre parang katulad niyan, akala mo may control ka pero hindi, wala. “Parang ganoon, ‘di ba? So… masarap,” at muling tumawa ang aktres.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com