Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Philippine Drug Enforcement Agency PDEA

Chinese dinakip sa P850-M shabu

INARESTO ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 40-anyos Chinese national na nasamsaman ng P850 milyong halaga ng shabu sa buy bust operation sa Pangasinan nitong Huwebes ng hapon.

Sa ulat ng PDEA, kinilala ang naarestong suspek sa mga alyas na ‘Monky’ at  ‘Gardo’,  residente sa Mampang, Zamboanga City, Zamboanga del Sul.

Ayon kay PDEA Director General, Undersecretary Isagani Nerez, nasamsam  mula sa Chinese ang 125 kilograms ng shabu na nakalagay sa loob ng isang plastic tea bags, sa isang van na Hyundai Starex, isang cellphone, at buy bust money.

Isinagawa ang operasyon sa bayan ng Bugallon nitong Huwebes ng hapon sa pagtutulungan ng mga ahente ng PDEA, PDEA regional office 1 Pangasinan Provincial Office, Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ang naturang suspek ay mahaharap sa patong- patong na  kasong paglabag sa Section 5 (Sale of dangerous drugs) at Section 11 (Possession of dangerous drugs, Article 11 of Republic act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug 2002.  

Kapag napatunayang guilty ang naturang suspek, mahahatulan siya ng habambuhay na pagkakakulong at pagmumulta ng P5 hanggang P10 milyon. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …