Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Everyone Knows Every Juan

Alessandra ‘di nahirapan, ‘di nangialam sa mga bida sa Everyone Knows Every Juan

ni Allan Sancon

MULING bibida sa likod at harap ng kamera ang award-winning actress na si Alessandra de Rossimatapos hawakan ang direksIyon at produksIyon ng bagong pelikulang Everyone Knows Every Juan.

Pinagsama-sama ni Alessadra ang ilan sa pinakamahuhusay at beteranong aktor ng bansa para sa isang drama-comedy film na tatalakay sa magulong samahan ng pamilya Sevilla na puno ng halakhak, intriga, at mga sikreto.

Sa pelikula, tampok ang Sevilla siblings na ginagampanan nina Edu Manzano, Ruby Ruiz, Gina Alajar, Ronnie Lazaro, Joel Torre, at Alessandra. Sila ay muling nagsama-sama sa kanilang ancestral home isang taon matapos pumanaw ang kanilang ina na si Juaning Sevilla (Liza Lorena).

Kasama rin sa pelikula sina Kelvin Miranda, Empoy Marquez, Jaime Fabregas, JM De Guzman, Angeli Bayani at marami pang iba.

Naging very challenging para sa mga beteranong artista ang paggawa ng pelikula dahil kailangan nilang mag-rehearsal muna ng ilang oras bago i-shoot ang tuloy-tuloy na eksena.  Naging challenging ito lalo na sa mga senior actor kasi kailangang kabisado nila ang kanilang mahahabang linya bago sumalang sa isang mahabang eksena.  

Natanong namin si Alessadra kung ano ba ang naging challenge sa kanya sa paggawa ng ganitong klaseng pelikula at idirehe ang mga magagaling na actor.

Sa totoo lang wala akong ginawa, kasi ang gagaling talaga nila. ‘Yun ang goal ko, na huwag masyadong makialam kung ano ‘yung gusto nilang ibigay. Pero siyempre may mga specific din na kailangan idirehe.

“Pero I think alam naman nila ‘yung ginagawa nila,” papuri ni Alessandra sa kanyang mga artista.

Ayon sa produksiyon, bukod sa halakhak at drama, inaasahan ding mabubunyag sa pelikula ang mas malalalim na isyu sa pamilya—mga sikreto na maaaring tuluyang sumira sa kanilang ugnayan at sa mismong tahanang kanilang kinalakihan.

Mapapanood na sa mga sinehan simula Oktubre 22 ang Everyone Knows Every Juan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …