AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan
HALOS araw-araw napapabalita na maraming kababayan natin ang nananakawan ng hanggang milyong salapi (cash) sa social media – mula sa iba’t ibang grupo ng scammer o sindikato – online scammers.
Para hindi ka mapabilang sa talaan ng milyong bilang ng mga nabiktima na, maging alerto o ‘ika nga “Be Wise at Magduda” upang matuldukan na ang pamamayagpag ng online syndicates (scammers).
Nitong 30 Setyembre 2025 (Martes) sama-samang ikinasa ang kampanya laban sa digital fraud at scam – tinawag itong “Be Wise at Magduda: Community Guides”. Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang paglulunsad katuwang ang Bayan Academy, Meta, at Ateneo de Manila University.
Ang inisyatiba at ang paglulunsad sa programa ay suportado rin ng Bangko Sentral ng Pilipinas, Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Justice (DOJ), Department of Migrant Workers (DMW), Department of Trade and Industry (DTI), Securities and Exchange Commission (SEC), CitizenWatch PH, at SM Supermalls Inc.
Sa “Be Wais” mapoprotektahan ang komunidad sa patuloy na panloloko sa social media “online fraud at scam”. Sa tulong ng Be Wise ang bawat Pinoy ay mae-enganyong magkakaroon ng lakas para bantayan ang sarili, ang pamilya at ang komunidad laban sa banta ng makabagong pag-atake ng mga sindikato sa digital.
Nakaaalarma ang patuloy na paglobo ng bilang ng mga biktima. Katunayan base sa ulat, lumobo sa higit 94% ang biktima ng online scams sa bansa noong 2023. Ang masama pa nito, naapektohan ang GDP ng bansa – halos 2% ang nawala “financial losses” sa ekonomiya ng bansa habang 67% ng mga Pinoy naman ang aminadong nag-alala sa epekto ng fake news sa araw-araw nilang buhay.
Heto na nga ang pinaniniwalaang isa sa katugunan sa problema, sama-samang pinagbuklod ng Bayan Academy, Meta, kasama ang Ateneo Office for Social Concern and Involvement (OSCI) ang kanilang kagalingan dahilan para bumuo ng assesment tools at training materials para mismong sa barangay level pa lamang ay matuto na silang umiwas at labanan ang mga kumikilos na scammers sa social media.
“The Be Wais Community Guides serve as a hands-on resource for communities, giving them the knowledge and strategies to detect, avoid, and report fraudulent schemes…” bahagi ng statement ng grupong bumuo ng programa.
“The issue of fraud and scams has grown into a serious threat to our country’s social and economic security. Through the Be Wais Community Guides, we want to move away from the mindset of helplessness and instead promote empowerment. Digital safety today is a new form of bayanihan—when individuals protect themselves, they also protect their families, neighbors, and communities,” pahayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Sa paglulunsad, 180 QCitizens ang sumabak sa pagsasanay bilang panimula ng kampanya. Naging posible ito sa tulong ng Quezon City Public Affairs and Information Services Department (PAISD) at ang QC Public Employment Service Office (PESO).
Layunin ng bumuo ng “Be Wise at Magduda” ay palawakin ang kampanya sa buong bansa para tuluyang masugpo ang pag-atake at pamamayagpag ng online syndicates.
“Through a united, multi-sector approach, we can build stronger defenses against fraud and scams,” wika ni Prof. Carlo Sagun, President and CEO of the Bayan Family of Foundations. “Be Wais is not just a one-time campaign, it’s a movement that we will bring across the country, one community at a time.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com