SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
IBINAHAGI ni Ogie Diaz sa kanyang Ogie Diaz Showbiz Update kasama sina Mama Loi at Mrena na nagkabalikan na sina Gerald Anderson at Julia Barretto.
Ani Ogie, nakarating sa kanya ang balitang nagkabalikan na ang dalawa.
Susog na tanong ni Mama Loi, “Bakit wala pang lumalabas na picture (magkasama) or video na magkasama sila?
Sagot ni Ogie, “Mayroon silang picture na magkasama sa burol ng tito ni Julia, si Mito. Magkasama sila.
“Na nagdala pa nga raw ng snacks si Gerald, ‘di ba?,” sambit pa ni Mama Loi.
“Eh ‘di all is well that ends well,” giit pa ni Ogie.
Mul namang inurirat ni Mama Loi kung totoo nga bang nakabalikan na ang dalawa.
Na sinagot naman ni Ogie ng, “Eh iyon ang sabi ng source ko, sila na ulit. Wala namang problema. Siguro na-patch up na nila ang mga differences o misunderstanding nila.
“At dito nila nakilala ang isa’t isa. Na-realize siguro nila na noong nag-split sila, na totoo namang nag-split sila. Para sabihin sa akin ni Gerald na, ‘ako ang may kasalanan, durog na durog na ako, na hindi rin totoo na si Vani Gandrel ang third party kasi hindi ko naman kilala ng personal, hindi ko nakakausap, nakaka-text.”
Sinabi pa ni Ogie na napanaginipan niyang ikakasal na next year sina Gerald at Julia. At saka nagtila nagloko-lokohan at nagbiruan.
Idinagdag pa ni Ogie na pangarap na ni Julia na mag-settle down, magkaroon ng pamilya. “Kay Julia parang gusto niyang maging padre pamilya ng kanyang pamilya ay si Gerald.
“Panaginip lang naman lahat iyan,” giit pa ng manager.
Napaginipan din daw niya na nagpo-propose na si Gerald kay Julia. “Napakalinaw sa panaginip ko na may involve na singsing. Parang magpo-propose. Pero panaginip lang naman ito. Pwedeng mali ako. Hindi ba minsan ang panaginip kabalintunaan ang ibig sabihin. Kung ano ang napanagipan mo pwedeng hindi totoo.
“Basta yan lang ang panaginip ko for now. Malay n’yo managinip uli ako,” wika pa ni Ogie.
Na winika ni Mrena na may lusot si Ogie sakaling hindi magkatotoo ang tinuran nito dahil panaginip lang naman daw iyon.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com