Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alfred Vargas Young self

Alfred Vargas may mensahe sa kanyang ‘younger self’: Maging matapang ka 

NAKI-JOIN na rin si Alfred Vargas sa nauusong “meeting your younger self” AI photo trend na uso sa social media. Rito’y makikita na marami na sa mga ordinaryong Pinoy at celebrities ang nagpo-post ng kanilang imahe —adult at bata.

Mahigit pa sa isang digital throwback, ang trend ay isang paraan ng tila pagmumuni-muni ng kung gaano na kalayo ang narating at kung ano ang gustong sabihin sa batang bersiyon nila.

Sa pagsali ng konsehal ng Distrito 5 ng Quezon City na si Alfred sa bandwagon, makikita ang picture (adult version) niya habang nakasandal sa pader, nakangiti sa kanyang batang bersiyon. Ito ay may titulong, Para Sa Batang Ako.

Marami ang naka-relate sa throwback senti Instagram post ni Alfred. Sa halip na lingunin ang nakaraan, ginamit ni Alfred ang sandaling iyon para ipasa ang walang hanggang mga aral sa buhay.

Hindi lamang sa kanyang younger self kundi sa lahat ng mga nagbabasa.

Sa ‘pakikipag-usap’ niya sa kanyang younger self, pinaalalahanan niya itong  maging matatag at matapang.

“Maging matapang ka sa pagharap sa mga hamon ng buhay. Huwag kang matakot magkamali dahil doon ka matututo,” panimula ng ng konsehal ng QC.

“Huwag kang matakot sa sasabihin ng iba basta’t alam mo kung sino ka talaga at wala kang inaapakan na iba.”

Hindi mapasusubaliang malayo na at marami nang narating sa buhay si Alfred. Kabilang na ang pagiging matagumpay na aktor na maraming awards na ang kanyang nakamit, naging prodyuser gayunin sa pagiging public service. Subalit sa lahat ng ito, binibigyan niyang halaga ang pagiging “makatao.”

Aniya, “Lagi mong tandaan na ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa pera o posisyon, kundi sa naitulong mo sa kapwa at kung ikaw ba ay nakapagdala ng magandang pagbabago sa buhay ng iba.”

“Galangin mo ang lahat ng tao, anuman ang kanilang estado, at ipaglaban mo ang tama kahit mahirap.”

Isinama rin ni Alfred ang pagbibigay halaga sa pamilya na bagamat abala sa kanyang pagiging public servant ay laging may oras at naglalaan talaga ng panahon para sa asawa at mga anak. 

Family man si Alfred na kitang-kita sa kanyang mga post sa social media. Katatapos lang nilang ipagdiwang ang kanilang anibersaryo ng asawang si Yasmine, gayundin ang pagsama-sama at paglalaan ng oras sa mga aktibidades ng mga anak na sina Alexandra, Aryana, Alfredo Cristiano, at Aurora Sofia. Hindi rin niya nakalilimutang ibahagi ang mga masasayang kuwento ng kanyang yumanong inang si Atty. Susana Vargas.

 “Mahalin mo ang pamilya mo, lalo na ang iyong Nanay at Tatay. Hindi sila forever nandyan. Every moment counts.”

At bago magtapos, isang mahalagang paalala ang iniwan ni Alfred sa kanyang younger self.

“Huwag mong kalimutan ang pangarap mo–isang araw, magagamit mo ang boses at talento mo para matulungan ang iba na maabot din nila ang kanilang mga pangarap.

“Gawin mo ang lahat Ad Majorem Dei Gloriam… All for the greater glory of God 💙🙏🏽

“#parasabatangako #senti #grateful #throwback.” (Maricris Valdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …