Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zaldy Co Martin Romualdez

Ex-Rep. Zaldy Co, Dating Speaker Romualdez iimbitahan sa Senate Blue Ribbon

IIMBITAHIN ang nagbitiw na congressman na si Elizaldy Co at si dating Speaker Martin Romualdez sa susunod na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa katiwalian sa likod ng mga maanomalyang flood control projects, ayon kay Senate President Pro Tempore at Blue Ribbon Committee Chairman Panfilo “Ping” M. Lacson.

Ani Lacson, dito ay mababasag ang maling pananaw ng ilang sektor na ang Blue Ribbon Committee ay may kinikilingan, kinakampihan, o pinoprotektahan na ilang personalidad.

“Sa susunod na pagdinig, kung magkakaroon kami ng pagdinig, papadalhan namin siya ng invitation letter sa kanyang address. Now alam naman nating sa abroad siya so ‘di ‘yan sisipot. Pag ‘di siya dumating, ipadadala namin ng subpoena. At pag hindi sumipot may show-cause order,” ani Lacson sa panayam sa NET25. “Kaya wala tayong pinagtatakpan dito.”

“‘Pag hindi satisfactory ang show cause order ipako-contempt namin siya at paiisyuhan namin ng warrant of arrest,” dagdag ng Senador.

Para kay Romualdez, iginiit ni Lacson na idaraan ang imbitasyon kay House Speaker Faustino Dy III, “in observation of the time-honored inter-parliamentary courtesy between the two houses of Congress.”

Sa ngayon, sinabi ni Lacson na hinihintay pa ng komite ang ilang developments sa kaso bago magtakda ng susunod na pagdinig.

Inilinaw ni Lacson na ipagpapatuloy ng Blue Ribbon Committee ang mga pagdinig hangga’t may mga panibagong mahahalagang pangyayari na kailangang silipin. Binigyang-diin niya na pananatilihin niya ang tinatawag na blindfold mentality — ibig sabihin, magiging patas siya at susundan kung saan dadalhin ng ebidensiya.

Ito ay kahit na masakit para sa kanya na makita ang ilan sa kanyang mga kasamahan na nadadawit sa isyu, bagama’t hindi niya maaaring pigilan ang mga resource persons na magsalaysay.

“Kung hihinto ngayon lalong mare-reinforce ang perception o sinasabi nilang rightly or wrongly na meron kaming pinagtatakpan. No. Maliwanag ang sinabi ko, we will go where the evidence leads us,” aniya.

“Hindi ako madi-distract sa mga ingay na may kinakampihan, may pinagtatakpan, may tinatarget. Bahala sila sa perception. Basta ako guiding principle ko kung ano ang nararapat at inaakala kong tamang gawin, ‘yan ang tamang gawin,” dagdag niya. “Nobody is being targeted. Neither will anyone be shielded or spared. No matter how unpopular, even painful for me to hear the names of my colleagues being implicated by resource persons, I will not be deterred.”

Mga Pagbabago sa ICI

Sinabi i Lacson na ang mga pagbabago sa Independent Commission for Infrastructure (ICI), kung saan papalitan ni dating Philippine National Police chief Rodolfo Azurin si Mayor Benjamin Magalong ng Baguio City bilang adviser, ay hindi makaaapekto sa mga pagdinig ng Blue Ribbon Committee.

Dagdag niya, bagama’t nanghihinayang siya sa pagbibitiw ni Magalong bilang adviser ng ICI dahil sa laki ng maiaambag nito mula sa kanyang kaalaman sa institusyon, excited siya na mabibigyan ng pagkakataon si Azurin na makapag-ambag din.

“Si Gen. Azurin at Gen. Magalong, pareho naging tao ko directly under me at kabisado ko ang kanilang work ethics kabisado ko ang kanilang integrity, kabisado ko ang kanilang work experience,” ani Lacson. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …