SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
IKINOKONSIDERANG napakahalagang pelikula ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival entry, ni Janella Salvador, ang Open Endings.
Sa ginanap na Star Magic Spotlight ngayong Setyembre, isa sa mga special guest si Janella at bahagi ng usapan ay tungkol sa kanyang role sa Cinemalaya na ginampanan niya ang karakter ni Charlie.
Para kay Janella, napakahalagang pelikula ang Open Endings dahil nakasama siya sa isang queer project at nakapag-portray ng sapphic role.
“Alam ko paulit-ulit ko na ‘tong sinasabi pero dream come true for me itong project na ‘to. Ang tagal ko na ring naging vocal na gusto ko magkaroon ng role na ganito-isang queer project-tapos part pa siya ng ‘Cinemalaya,’” ani Janella.
Inilarawan pa ni Janella ang pelikula bilang, “This project is a queer, sapphic film about four exes turned friends. Interesting siya kasi hindi siya ‘yung usual story na nakikita mo. Hindi siya coming-out story, hind siya rom-com. It really highlights the point of view of women-the friendship between four women-and of course, meron ding kalat ng community.”
Mapapanood ang Open Endings sa Cinemalaya mula October 3-12, 2025, na gaganapin sa Red Carpet Cinemas, Shangri-La Plaza.
Kasama rin si Janella sa upcoming ABS-CBN TV series na What Lies Beneath kasama sina Charlie Dizon, Kaila Estrada, Sue Ramirez, Jake Cuenca, at JM De Guzman. Gagampanan niya rito ang challenging role ng isang ina.
“’What Lies Beneath’ kasi is more of a murder mystery, parang thriller siya. Excited ako kasi first time ko makatrabaho sina Charlie, Sue, and Kaila. All very great actresses and it’s really nice to work with people na magagaling.
“Nagkakahawaan kami ng energy sa set. Ang sarap nila katrabaho,” bahagi pa ni Janella.
Hindi rin niya pinababayaan ang kanyang music career at nagbigay siya ng teaser tungkol sa isang upcoming album.
“I always say that singing is my first love, and acting I learned to fall in love with it talaga.
Recently, l’ve been doing both. I’m not gonna lie, I am working on an album. It’s been a long process-medyo tumatagal lang. Binubuo ko pa ‘yung album. You can see I’m working on two acting projects, very busy lately, but l’m hopeful magawa ko pa rin pareho nang maayos,” aniya.
Sa mahigit isang dekada sa industriya, patuloy na ipinakikita ni Janella ang husay at talento. Mas handa siya ngayon na tumanggap ng mas mahirap na roles, bagong challenges, at lahat ng gusto niyang maabot sa kanyang career.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com