Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Goitia PBBM Protest Rally

Para kay Goitia
Kaguluhan bigo, diwa ng Pinoy nagtagumpay

ANG kaguluhan na sumiklab sa Mendiola noong Setyembre 21 ay malinaw na nagpapakita, ayon kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, ng “isang baluktot na agenda ng mga bayarang anarkista, hindi ng tunay na tinig ng taumbayan.”

Ang dapat sana’y mapayapang pagtitipon ay sinamantala ng mga nakamaskarang raliyista na naghagis ng bato, bote, at maging ng mga pampasabog laban sa pulis. Maraming pulis ang nasugatan at may ari-arian pang nawasak. Para kay Goitia, hindi ito kilos-protesta kundi malinaw na krimen. “Hindi sila mga repormista kundi mga nanggugulo lamang,” aniya. “Hindi hustisya ang habol nila, kundi ang pabagsakin ang nakaupong Pangulo. At kahapon, hindi sila nagtagumpay.”

Mariing kinondena ni Goitia ang mga karahasang ito, na ayon sa kanya ay hindi na saklaw ng kalayaan sa pamamahayag kundi hayagang paglabag sa batas. Ayon pa sa Revised Penal Code, malinaw na pumapasok ang ginawa nila sa krimeng sedisyon — isang paglabag laban sa kaayusan at mismong Republika.

Sakripisyo ng pulis, kaligtasan ng tao. Pinuri ni Goitia ang Philippine National Police sa maagap na pagpigil sa tangkang pag-aaklas bago pa ito lumala. Itinuro niya na kahit maraming sugatan sa hanay ng pulis, pinili pa rin ng mga ito ang magpakita ng pagpipigil.

“Matatag silang nanindigan para sa demokrasya, habang ang mga raliyista ay nagbunyag lamang ng kanilang tunay na kulay — galit at kaguluhan,” diin niya.

Pagkakakilanlan sa mga anarkista. Ipinakita ng mga ulat ng media ang malinaw na kaibahan ng lehitimong protesta at planadong kaguluhan. Maging ilang personalidad na sumama sa martsa ay naiwang napapahiya matapos maloko at mapilitang makisama sa mga iligal na elemento.

Maging ang mga volunteer ni Goitia ay nadamay. Ilan sa kanila, kasama ang mga marshal ng kanyang koalisyon, ay nasaktan at ninakawan ng gamit ng mga pinaniniwalaang kabilang sa kabilang kampo. Nangako si Goitia na hindi pababayaan ang mga biktima: “Nakikipagtulungan kami sa mga awtoridad at sa aming mga katuwang sa intelligence unit upang kilalanin ang mga umatake sa aming hanay. Mananagot sila sa batas — hindi sa pamamagitan ng paghihiganti, kundi sa tamang proseso ng hustisya,” aniya.

Hustisya ang mananaig. Sa huli, ipinaalala ni Goitia na ang laban kontra korapsyon ay dapat isulong sa legal at demokratikong paraan.

Nagpahayag din siya ng buong suporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at sa kampanya nito laban sa katiwalian. “Solid kami sa likod ni Pangulong Marcos sa kanyang laban para sa mabuti at tapat na pamamahala,” wika niya.

“Ang panawagan ng taumbayan ay hustisya, transparency, at reporma — at tinutugunan ito ng gobyernong ito. Humihingi tayo ng pananagutan, oo. Pero hindi natin kailanman hahayaan na ang mga bayarang anarkista ang manghijack sa panawagan ng mamamayan. Hustisya ang mananaig, at hindi kailanman maghahari ang anarkiya sa ating bansa.”

Si Dr. Jose Antonio Goitia ay kinikilala bilang Chairman Emeritus ng apat na makabayan at sibikong organisasyon: ang Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADER), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), at Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement. (MARISA SON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …