Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
MPVA Pasay Lady Voyagers

MPVA Season 2: Pasay Lady Voyagers, bagito pero wagi sa opening game

SINIMULAN ng baguhang Pasay Lady Voyagers, na binubuo ng mga miyembro ng Philippine Air Force kasama ang beteranong setter na si Wendy Anne Semana, ang kanilang kampanya sa Maharlika Pilipinas Volleyball Association (MPVA) Season 2 sa panalo matapos pataubin ang Negros ICC Blue Hawks.

Itinakas ng Lady Voyagers ang panalo sa iskor na 25-23, 13-25, 25-18, 23-25, 15-8, sa tulong ng matatag na paggiya ni Semana na naglatag ng set para kay Florize Papa, na tumapos sa pamamagitan ng matinding atake para maselyuhan ang unang panalo ng koponan. Ginanap ang laro sa bagong tayong City of Dasmariñas Arena sa Cavite.

Samantala, nilinaw ni Dr. Rustico “Otie” Camangian, National University Athletic Director at UAAP Board representative, na walang nilalabag na polisiya ang mga manlalarong kalahok mula sa kolehiyo.

MPVA is a volleyball developmental league and UAAP considered it, for the time being, neither a professional nor a commercial league. Therefore, players can take part,” paliwanag ni Camangian, na binigyang-diin ang layunin ng liga na hubugin ang mga atleta at magbigay ng mataas na antas ng kompetisyon hindi lamang sa student-athletes kundi pati na rin sa mga homegrown talents.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …