RATED R
ni Rommel Gonzales
SASABAK sa matindi at masayang hulaan sa Family Feud ang ilan sa mga pinakamahuhusay na singer mula sa iba’t ibang generations sa bansa.
Maglalaro sa team The Voice Kids ang superstar coaches na sina Julie Anne San Jose, Paolo at Miguel ng Ben&Ben, at Zack Tabudlo. Makakaharap nila ang The Company kasama ang music veterans na sina Moy Ortiz, Annie Quintos, Sweet Plantado, at OJ Mariano.
Abangan ang kanilang kulitan at iba pang celebrity guests sa Family Feud, mula Lunes hanggang Biyernes tuwing 5:40 p.m. sa GMA-7.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com