PROMISING ang baguhang PPop boy group na One Verse na nasa pangangalaga nina Jhay Layson, Direk Jaysar Lorayna, Direk JP Lopez, Mark David Derayunan from PH Entertainment.
Ilang beses na nga naming napanood ang One Verse at may ibubuga ang mga ito pagdating sa kantahan at sayawan. Maganda ang timbre ng kanilang boses at mahusay sumayaw plus factor pa na guwapo ang lahat ng miyembro nito.
Ang One Verse ay kinabibilangan nina Mr Pogi Ero, Aubrey, Cassy, Thirdy, Marcky, Amiel, Franz.
Pero among the group maganda ang PR ni Thirdy, laging nakangiti at palabati, kaya naman madali namin itong natandaan.
Nakapagperform na ang grupo sa 73rd FAMAS Awards at 37th Star Awards for Movies, at last Sept. 19 ay pinarangalan silang most promising boy group of the year ng Gawad Dangal Filipino Awards 2025.
May two songs na rin ang grupo, ang Ako Dapat at ang bagong release na “Ako’y Sayo .
Ang dalawang kanta ay available na sa lahat ng Digital Platform at sa Youtube.
Sinabi nga ng grupo na wala silang intensiyong makipag-kompitensiya sa kanino mang P-Pop group, dahil pare-pareho silang nangangarap na sumikat at makilala rin sa Pilipinas, pati sa ibang bansa.
Idolo at inspiration nila ang tinaguriang Philippine King of PPop, ang SB 19 na ‘di lang sumikat sa Pilipinas maging sa ibang bansa.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com