Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Phillip Salvador Jaguar

Jaguar classic movie ni Ipe mapapanood muli

RATED R
ni Rommel Gonzales

MULING mapapanood sa Pilipinas ang klasikong pelikula ni Phillip Salvador, ang Jaguar na obra ng direktor na National Artist for Film na si Lino Brocka.

Ipinalabas noong 1979, lumikha ng kasaysayan ang Jaguar dahil ito ang unang pelikulang Filipino na na-nominate sa prestihiyosong Palme d’Or sa 1980 Cannes Film Festival.

Ang pelikula ay ukol kay Poldo, isang security guard na nasangkot sa isang krimen habang pinoprotektahan ang isang mayamang playboy, habang hinaharap ang “moral dilemmas and tragic consequences amid class disparity and the destructive pursuit of fame.”

Hango ito sa isang kuwento mula sa aklat na Reportage on Crime ng National Artist for Literature na si Nick Joaquin. Ang Jaguar ay isinulat nina Jose F. Lacaba at National Artist for Film, Ricky Lee.  Tampok din dito si Amy Austria.

At matapos ang international premiere sa 16th Lumière Film Festival sa Lyon, France nitong nakaraang taon, ang restored version ng Jaguar ang magbubukas sa 7th Sinag Maynila Independent Film Festival.

Magaganap ang opening ceremonies sa Martes, September 23 sa Gateway 2, ito ang magsisilbing Asian premiere ng 4K restored version ng Jaguar, dahil na rin sa pagtutulungan ng FDCP’s Philippine Film Archive (PFA) division at ng Cité de Mémoire.

Inimbitahan ang cast at crew ng pelikula na dumalo sa event para sa isang espesyal na talkback session pagkatapos ng screening.

Samantala, ang 61 na pelikula na kasali sa kompetisyon sa Sinag Maynila 2025 ay mapapanood mula September 24 to 30, sa mga sumusunod na sinehan: SM Mall of Asia, SM Fairview, Robinsons Manila, Robinsons Antipolo, Trinoma, Market! Market! at Gateway Cineplex.

Ang ticket prices ay P250 per admission.

Ang 5 Feature Films in competition sa Sinag Maynila ay ang Altar Boy directed by Serville Pobletetampok sina Mark Bacolcol, Shai Barcia, Pablo S.J. QuiogueCande ni direk Kevin Pison Piamontestarring JC Santos, Sunshine Teodoro, at Gian PomperadalJeongbu  (The Mistress) ni direk Topel Lee starring Aljur Abrenica, Ritz Azul, at Empress SchuckMadawag Ang Landas Patungong Pag-asa (The Teacher) ni direk Joel Lamangan starring Rita Daniela, Jak Roberto, at Albie Casino; at ang Selda Tres ni direk GB Sampedro starring Cesar Montano, Carla Abellana, at JM De Guzmankasama sina Aaron Villaflor, Kier Legaspi, at Victor Neri.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …