TIKOM ang bibig kapwa nina Julia Barretto at Gerald Anderson sa ilang buwan na ring usap-usapan na break na matapos ang limang taong relasyon.
Pero ‘ika nga, “When there’s smoke, there’s fire.”
Mainit na usapin ngayon sa social media na ang Cignal HD Spikers player na si Vanie Gandler daw ang bagong apple of the eye ni Gerald, lalo’t makahulugan ang naging sagot ni Claudine Barretto, tiyahin ni Julia nang makapanayam ni Ogie Diaz tungkol
sa pagkaka-link ng Kapamilya actor sa magandang volleyball player.
Ani Claudine, “Basta hindi na ako nanonood ng PVL (Premier Volleyball League),” nang dahil daw sa mga ipinararating sa kanya ng ‘babies’ niya sa volleyball tungkol kina Vanie at Gerald.
At kung si Gerald ay nali-link sa volleyball player, may nag-chika namang isang reliable source na umano’y isang big-time businessman— skin care ang business-ang nali-link ngayon kay Julia.
At para raw maniwala kami, ipinadala pa nito sa amin ang picture ng negosyante na nasa mid-30’s lang.
Nang sipatin naming mabuti ang hitsura ng guy, guwapo at hindi nalalayo sa hitsura ni Gerald dahil bigotilyo rin at lalaking-lalaki ang tindig. May hawig din ito kay John Lloyd Cruz, medyo mas may laman lang kaysa dating matinee idol.
Pero nilinaw naman sa amin ng source na hindi ang guwapong big-time businessman ang dahilan ng hiwalayan nina Gerald at Julia.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com