RATED R
ni Rommel Gonzales
MATAPOS ang gig nila with Side A band sa Hard Rock Café sa loob ng Conrad Hotel sa Maynila, the following week ay napanood naman namin ang Innervoices ka-back-to-back ang Neocolours sa Noctos Bar sa Scout Tuason, South Triangle sa Quezon City.
Hindi tulad ng Side A na iba na ang lead vocalist, si Ito Rapadas pa rin ang bokalista ng Neocolours ng grupong sumikat noong dekada ‘80, with their hits like Maybe, Tuloy Pa Rin at iba pa.
At kung leader at mahusay na keyboardist ng Innervoices si Atty. Rey Bergado, sumikat noon si Jimmy Antiporda bilang keyboardist ng Neocolours na hanggang ngayon ay taglay pa rin ang husay sa performance.
Umani si Jimmy ng malakas na palakpakan at tilian, especially mula sa mga batang ‘80s na nasa Noctos ng gabing iyon, maging ang bokalista ng banda na si Ito na bukod sa mga original hit nila ay kumanta rin ng hits ng ibang Filipino singers tulad nina Gary Valenciano, Apo Hiiking Society, at Raymond Lauchengco.
Wala naman na dapat patunayan ang Neocolours, tulad ng Side A, naging malaki at mahalagang bahagi na sila ng history ng OPM o Original Pilipino Music.
Si Patrick Marcelino na bokalista ng Innervoices, as always ay at his best element, to the maximum level ang pagkanta at pagsasayaw and of course, ang outfit-an niya na lalong nagpapalutang ng macho at rockstar aura.
May narinig nga kaming komento na si Patrick ay dapat bansagang “Bukol King”hindi na lang kami mag-e-elaborate kung bakit.
Samantala special mention si Atty. Rey ay may mga pagkakataon na kumakanta ng solo at sa gabing iyon sa Noctos, na-happy kami dahil ang inawit niya ay isa sa mga paborito namin noon pa na love songs, ang Take This Love na mula sa Brasil ’86 album ni Sergio Mendes at inawit ni Joe Pizzulo.
Bravo, Atty. Rey Bergado!
Next gig ng Innervoices ay sa Aromata sa Sct. Lazcano sa Quezon City.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com