Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alan Peter Cayetano

Cayetano: ‘Di tatagal ang pagbabago kung nakadepende ang disiplina sa nakaupong pinuno

MATUTULDUKAN lang ang korapsyon sa Pilipinas kung bawat Pilipino ay matututong gumawa ng tama kahit walang nakabantay o pumipilit na gawin ito.

Ito ang mensahe ni Senator Alan Peter Cayetano sa kanyang CIA 365 livestream nitong September 6, 2025.

Aniya, dapat mag-ugat ang reporma sa “self-governance” o kusang paninindigan para sa tama. Ikinumpara niya ito sa disiplina na madalas ay nakadepende aniya sa “external forces” gaya ng pagkakaroon ng istriktong pinuno.

“Y’ung self-governance, ibig sabihin, y’ung ‘di na kailangan y’ung iba pa magsabi sa’yo… ikaw na mismo ang gagawa n’ung pagbabagong iyon,” paliwanag ni Cayetano.

Halimbawa na lang ay ang ghost flood control projects ng Department of Public Works and Highways, na bunga aniya ng kawalan ng self-governance hindi lang ng isa kundi ng marami sa mga naroon.

“Napakaraming tao ang kailangang involved para magawa y’an (ghost projects). So it’s a failure of self-governance ng bawat isa,” aniya.

Giit niya, hindi tamang nakaasa lang tayo sa isang lider para baguhin ang buong sistema.

“Hindi pwedeng ngayon na si Sec. Vince [ang nasa DPWH] ay no corruption, pero kapag iba na ulit ang secretary, ayan na naman,” ani Cayetano.

“Bago natin tingnan y’ung pag-asa sa sistema o sa galing ng leader, dapat magsimula sa sarili natin,” dagdag niya.

Hinikayat ng senador ang lahat ng Pilipino na pagmuni-munihan ang kanilang “core values,” at hinimok ang lahat na gawing bahagi ng kanilang “identity” ang integridad at pagiging tapat.

Aniya, kailangang magtulong-tulong ang bawat henerasyon ng Pilipino na magkaroon ng “transformation” para maging pangmatagalan ang pagbabago, at mangyari ang “tunay na development” na inaasam ng lahat.

“Guys, we need generational change… Any nation na meron pong self-governance, sila po ay may tunay na pagbabago at tunay na development,” aniya.

Nagtapos si Cayetano sa panalangin at hinikayat ang publiko na ituloy ang panawagang mapanagot ang mga taong tunay na may kinalaman sa nasabing ghost projects.

“‘Wag tayong mawawalan ng pag-asa. Tutok, tutok, tutok. At ‘pag sinabi nating ‘wag nating pakawalan, ‘wag nating pakawalan,” aniya.

Ilang oras matapos ito, nakipagpulong si Cayetano kay national budget expert at dating Jagna Mayor JR Rañola ng Bohol para busisiin ang panukalang 2026 budget ng DPWH.

“May mga nakita na kami – from flood control to maintenance [projects], to ano ang mga dapat may pondo at mga dapat na tanggalan… Makakatulong po ito sa DBM at kay Sec. Vince (Dizon) kasi they’re redoing the budget,” ani Cayetano.

“So hopefully, y’ung mga gumawa nito (ghost projects) ay isa-isa mawala [sa pwesto] para hindi nga ma-manipulate ito,” dagdag pa niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …