Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Enrique Gil Franki Russell

Enrique, Franki Russel spotted sa Bohol

RATED R
ni Rommel Gonzales

HINDI nakaligtas sina Enrique Gil at Franki Russell sa mga netizen ng Bohol dahil maraming picture at videos ang agad na kumalat nang spotted ang dalawa na magkasama roon.

Usap-usapan ang biglang sightings kina Enrique at Franki  matapos  makita sa Bohol.

Spotted ang dalawa na naglalakad sa beach sa may Panglao.

Ayon sa pagbabahagi ng Bohol-based content creator na si Natnat Wabe Vibes, naglalakad ang dalawa kasama ang isang non-showbiz friend. 

Ani Natnat, nag-snorkeling at turtle-watching ang aktor at dating PBB housemate-beauty queen. 

Mayroon ding video mula sa isang netizen na bumababa ang dalawa mula sa isang otel sa Panglao. 

Sa sightings sa dalawa, marami ang nagtatanong kung anong mayroon sa dalawa? Sila na nga raw ba o may proyekto kaya nagkasama sa Bohol? 

Sa ngayon walang karelasyon si Enrique matapos umamn kamakailan ni Liza Soberano na matagal na silang hiwalay. Samantalang si Franki, naugnay naman ito kina Diego Loyzaga at Kiko Estrada.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …