Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blind Item The Who Man Woman Lovers

THE WHO
Sabwatan ng ‘lovers’ este mag-among gov’t officials sa tongpats at kickbacks ikinaiirita ng ‘Lakan sa Palasyo’

PINAG-UUSAPAN sa mga coffee shops ngayon ang tila sabwatang boss-alalay sa pangungurakot sa pamahalaan.

Ibig sabihin, magkasabwat ‘yung boss at ang kanyang immediate alalay sa ‘quota per week’ na ipinapataw umano sa Bureau of Customs (BoC).

Uy, alam kaya ni Customs chief, Ariel Nepo ‘yang ‘quota per week’ na ‘yan?

Mantakin ninyo tinalo pa nito ang mga ghost at kickbacks sa flood control projects dahil kada linggo ang tarahan.

At hindi limang piso ang pinag-uusapan dito —- 20-M kada linggo ang tongpats o tara. Manok ba ‘yan o mansanas?

Pero may pagkachipipay daw si alalay — sa tongpats na 20-M kada linggo, happy na siya sa 200-K na parte. Kada linggo rin ‘yan.

O ‘di ba ang galing magsabwatan ng ‘mag-amo’ na simula nang maupo sa puwesto ay wala nang ginawa kundi ang maging kolektor. 

Imbes sa kaban ng bayan mapunta ang kinokolektang pondo para mapakinabangan ng  sambayanang Filipino ay silang mag-amo at mga pamilya nila ang nakikinabang.

Mantakin ninyo  hindi pa kontento sa koleksiyon kada linggo, dahil ang bisyo nito, gusto laging may ‘regalong’ luxury bags.

Rekesitos daw ito ni alalay kay bossing — dahil ayon sa mga pambansang marites ang dalawa ay ‘secret lovers’ — OMG!

Madalas daw mamataan ang dalawa sa favorite nilang five-star hotel.

Disimulado pa ang kilos ng dalawa — hindi sila sabay pumasok at lumabas sa five-star hotel pero may nakabuking! Ay yay yay, mas magaling kaya si alalay kay misis ni bossing na dadaigin ang diwata sa ganda?

Ay kaya pala naiirita na ang ‘Lakan sa Palasyo’.

Gusto ba ninyong makilala kung sino ang mga opisyal? Itanong na lang natin kay Father Anton ng Maynila na laging kawanggawa ang ginagawa.

At si alalay? Parang nasa kanta siya ng sikat na singer ng Dekada 80 na si Sheena Easton.

Getzing na? Kaboom!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …