NAARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki na kabilang sa most wanted person sa Central Luzon sa isang coordinated operation sa Brgy. Bancal Pugad, Lubao, Pampanga kahapon ng umaga, Setyembre 2.
Sa ulat mula kay Police Regional Office 3 Director PBGeneral Ponce Rogelio I. Peñones Jr., ang arestadong akusado ay kinilalang si Kurt Jayson Claudio y Puno, 27, ang Top 1 Most Wanted Person sa Central Luzon (Region 3).
Ang pagkaaresto sa akusado ay resulta ng intelligence-driven operations, maingat na pagkolekta ng impormasyon at close coordination mula sa mga operatiba ng Regional Intelligence Division, RSOG3 (RID-RSOG3( PRO3 Cyber Patrol Team, Lubao MPS at Pampanga PPO.
Si Claudio ay nahaharap sa “five counts of statutory rape” sa ilalim ng Criminal Case G-25-18572 at G-25-19576 na inisyu ni Judge Merideth D. Delos Santos-Malig, presiding judge ng RTC Branch 51, Guagua, Pampanga na walang inirekomendang piyansa.
Ang akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Lubao MPS at nakatakdang iprisinta sa korte para sa nararapat na legal proceedings. (MICKA BAUTISTA)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com