Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Noel Cabangon ang Songs For Hope A Benefit Concert

Noel Cabangon tunay na alamat ng musikang Pinoy

HARD TALK
ni Pilar Mateo

KAPAG sinabing Noel Cabangon, isang kanta ang maaalala mo sa kanya. Ang Kanlungan.

Dekada ‘80, sinusubaybayan na ang gigs niya kasama ang bandang nabuo, ang Buklod.

Umalagwa sa mundo ng musika ang kanilang tugtugan.

Nag-trivia nga ako. Na noong panahong ‘yun, ang isang kanto sa Timog na kinatatayuan na ngayon ng isang sikat na condominium ay kinalalagyan ng isang tila burol na may bar, ang Pook Luntian. Musikahan sa tuktok ng isang ‘di naman kaataasang tila maliit na bundok sa gitna ng kalunsuran. Doon sinundan si Noel ng kanyang mga tagasubaybay. Kasama ako!

Isa pa, sa hindi kalayuan sa Pook Luntina, roon din sa Timog, sumulpot ang Spindle Bar na dinaanan din ng musika ni Noel at mga kasama. At ngayon, isa ng simbahan (St. John The Apostle) na ito na narinig din ang tinig ni Malu Barry na naging watering hole rin ng  yumaong direktor na si Lino Brocka.

Maraming memories. Na kasalli sa  pagsakay ni Noel sa hindi niya na maiiwang karera.

Nagtuloy-tuloy sa kanyang musika si Noel. At iisang daan lang ang sinusunod nito sa perspektibo ng kanyang mga awit. Marubdob. Lalo na kung tungkol sa matitinding usapin o bagay. Kalikasan. Takbo ng bansa.

Pero dumating ang panahong kailangang mas taasan ang lipad ng galaw at tono ng kanta.

Bagong album. Sa Biyahe. At patuloy na tinandaan at kinilala ang ngalang Noel Cabangon.

Iconic. True legend sa Philippine music scene.

Kahit may mga panahong kinudlitan, hindi naman nawala ng tuluyan sa eksena si Noel at ang kanyang gitara. Dahil kasama siya sa nangangalaga sa kapakanan ng mga musikero at kompositor sa kanilang samahan.

At sa Setyembre 20, 2025, sa Music Museum,  kasama sina Faith Cuneta  (ang Asia’s Queen of Telenovela Theme Songs),  Cye Soriano, Patricia Ismael, Miles Poblete, Dindo Fernandez, Marianne Bermundo, Samuel Smith,  Rafael Mamforte, Meggan Shinew, Justin Herradura, at Nadj Zablan ay aawit sa Songs of Hope sa isang concert na hatid ng produksiyon ni Richard Hiñola(na naghandog ng BEST Awards) at ng Prime Lens Film Productions for a good cause. Sa direksiyon ni Lim Luther John.

Hayaan nating iduyan tayo ng mga awiting umaasam, nangangarap, umaasa sa iba’t ibang ikot ng ating buhay.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …