RATED R
ni Rommel Gonzales
KAGIGILIWAN at kapupulutan ng aral ang Ganito Tayo, Kapuso short films na maaari na ring mapanood sa official YouTube channel ng GMA Network.
Tampok sa espesyal na koleksiyong ito ang seven core Filipino values: Maka-Diyos, Masayahin, Maabilidad, Makabayan, Mapagmalasakit, Mapagmahal, at Malikhain. Bawat kuwento ay nagbibigay-halaga sa isa sa mga value na ito. At bukod sa malikhaing pagkukuwento, sigurado ring kagigiliwan ng mga manonood ang performances mula sa mga paboritong Sparkle artist.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com