SUMAKABILANG BUHAY na sa edad 78 ang premyadong direktor at haligi ng pelikulang Filipino, si Mike de Leon, pagkompirma ng pamilya.
Si de Leon ang may likha ng mga pelikulang Kisapmata (1981), Batch ’81 (1982), at Sister Stella L.(1984). Bago ito, gumawa siya ng dalawang short films na Sa Bisperas (1972) at Monologo (1975).
Producer din si de Leon ng mga pelikulang Happy Days Are Here Again (1974) ni Cirio Santiago at ang obra ni Lino Brocka na Maynila sa mga Kuko ng Liwanag (1975).
Nagsilbi rin siyang cinematographer, editor, at manunulat.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com