NAGHARAP sina dating Ilocos Sur Governor Luis Chavit Singson at aktres, Yen Santos para linawin ang mga usapin na pinag-uugnay sila lalo ang matagal-tagal nang ikinakabit sa kanila, ang pagkakaroon daw nila ng anak.
Sa unang episode ng YouTube vlog ni Yen, pinabulaanan nitong nabuntis siya ng dating gobernador at nanganak sa kanilang baby.
At dito’y ipinangakong gagawa ng content kasama si Chavit para linawin kung may anak nga ba sila o wala.
Sa latest YouTube vlog ng aktres na kasama na si Manong Chavit diretsahan nitong tinanong ito.
“Ano ang comment mo sa mga rumor tungkol sa atin?”
“Palagay ko ikaw lang makasasagot niyan, natatawang tugon ng dating politiko.
“Well, wala naman okay lang dahil ‘yung iba marites lang,” sey pa ni Manong Chavit sa kanyang mga basher.
“Parang more than a decade na kasi he’s a good family friend,” ani Yen.
“Super tropa ito ng aking parents kaya lagi tayo nai-issue. Mayroon pa nga raw tayong anak ‘di ba? Malaki na raw ‘yung anak natin si Yan Yan,” natatawang wika ni Yen.
“Guys, hindi po namin ‘yun anak. Kapatid ko ‘yun at ninong siya (Chavit) niyon,” paglilinaw ni Yen.
Sa bandang huli ng vlog, natatawang nabanggit ni Chavit na nahirapan siya sa mga tanong ni Yen, lalo sa personal na aspeto ng kanyang buhay.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com