Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vina Morales

Vina ipinagdarasal magiging asawa; Ceana susuportahan sakaling mag-artista

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

WALA pa man, ipinagdarasal na ni Vina Morales ang kanyang magiging asawa.

Ito ang ibinahagi ng aktres/singer nang makausap namin sa Star Magic Spotlight press conference na ginanap sa Coffee Project noong August 26.

Ani Vina, gabi-gabi niyang ipinagdarasal ang kanyang future husband tulad ng pagdarasal niya sa kanyang anak at sarili.

“I have to be honest. I’ve always been open, and I want to date someone. I want to meet someone,” ani Vina.

But it just so happened hindi talaga nagwo-workout. Kaya ako ayokong pilitin ang isang bagay na hindi para sa akin. Kung ipipilit ko na maging kami, ako lang ang mahihirapan. 

“So ang outlook ko sa buhay ngayon, kung hindi para sa iyo, tanggapin mo na lang. Nakalulungkot din kasi gusto ko magkaroon ng stable na love life and a partner who will be there for me all the time. Kung may problema ako, may matatakbuhan ako. Andyan naman ang pamilya ko pero gusto ko rin naman ng lovelife. 

I am praying for that. Every day I pray for my husband. I pray for my husband to be safe, kasi hindi ko alam kung sino siya. I pray for guidance na sana makita na niya ako. Kung sino man ‘yung husband ko, sana siya ang ipakilala ni Lord sa akin,” dagdag pa ni Mrs Cruz, ang karakter na ginagampanan niya sa kanyang teleserye sa GMA, ang Cruz vs. Cruz.

Single ngayon si Vina na tumagal lamang ng dalawang taon ang relasyon sa American non-showbiz boyfriend, si Andrew Kovalcin.

Naibahagi rin ni Vina na 16 taong gulang na nhauon na bagama’t mahiyain pa rin nababago na ang sagot kapag tinatanong niya kung gustong mag-artista.

Ani Vina, “Ceana used to be very shy, but now, when I ask her about joining show business, she smiles. Maybe. We’ll see.

Hindi siya sarado, but I don’t push her. Kung ano man ang gusto niyang gawin, I will support her. Pero sana mag-aral muna siya kasi ‘yan ang na-miss ni mommy. She’s doing well in school. 

“Pero feeling ko parang hindi pa (papasok sa showbiz) pero nakikita ko na ang confidence niya. Hindi na sya super shy,” sabi pa ng aktres ukol sa kanyang anak.

Samantala, ibinahagi ni Vina ang ukol sa kanyang journey sa industriya.

Noong 2023, matagumpay siyang nakapasok sa international scene sa pamamagitan ng kanyang Broadway debut sa Here Lies Love. 

Ngayong taon, mayroon siyang panibagong milestone: ang pagbabalik-telebisyon sa GMA Afternoon Prime’s Cruz vs.

Cruz, na siya ang bida.

When they offered me this one, ‘Cruz vs. Cruz,’ noong nabasa agad namin ni Ms. Love (her manager), nagandahan kami at hindi namin pinakawalan. It’s a really nice story…” ani Vina nang tanungin kung bakit tinanggap ang proyekto.

Bukod sa kanyang acting projects, patuloy niyang ibinabahagi ang kanyang musika sa iba’t ibang stages dito sa Pilipinas at abroad. Mas exciting pa dahil ibinahagi rin niya na gusto niyang maglabas ng bagong awitin.

Maybe after ‘Cruz vs. Cruz.’ Either you do a single, second single, third single-at most five songs. Pero hopefully, next year,” sambit ni Vina.

Bukod sa mga bagong proyekto, nag-reflect din siya sa values na tumulong sa kanya para magtagal sa industriya.

Of course, you have to be talented, but maraming talented in the industry. Ang sa akin, you need to have the right attitude kasi ‘yung longevity makukuha ‘yan if you know how to work with people,” kwento niya.

Dagdag pa niya, “If you know how to reinvent. If you are stuck there, wala ka na maibibigay. Ako, I never stop learning and give my best sa lahat ng projects na ibinibigay sa akin.”

Nagbahagi rin si Vina ng iba pa niyang mga plano at mga bagay na nais pa niyang gawin, “I play it by ear. I’m just grateful everyday. Ine-enjoy ko lahat ng projects na ibinibigay sa akin and I always give my best. I am open to any projects, kahit concert abroad okay sa akin.” 

Dagdag pa niya, “Pwedeng Broadway? Broadway ulit.”

Sa tagal niya sa showbiz, patunay si Vina na hindi lamang talento ang susi-kailangan ding mapanatili ang passion at mabuting karakter para tuloy-tuloy ang tagumpay sa industriya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …