RATED R
ni Rommel Gonzales
PRESENT si direk McArthur Alejandre noong ipakilala, tinilian, at pinalakpakan sa Vivarkada Ultimate Fancon/Grand Concert sa Araneta Coliseum noong Agosto 15, 2025 sina Jerome Ponce, Heaven Peralejo, at Joseph Marco bilang mga artista ng Viva One romance-drama series na I Love You Since 1892.
“Hindi pa nag-uumpisa ang show, nagtitilian na ang mga tao,” umpisang kuwento ni direk Mac na siyang direktor ng I Love You Since 1892.
“Ang unang pumasok sa isip ko, ang galing-galing ng Viva.
“Without a network and just using their own infrastructure and the app, they were able to create this fandom, a very, very interesting fandom with a varied menu of artists.
“Ang husay-husay ng Viva.”
Period series ang I Love You Since 1892 kaya hitik ito sa malalalim na Tagalog at dayalog.
“We tried very hard to be as true to the original material so ‘yung lengguwahe ng original material ay may lalim pero may accessibility.
“Ganoon ang ginamit namin, tapos ‘yung being true to the original material doesn’t mean merely sticking to it.
“It means speaking to it and translating it into visual terms.
“So, ito ay ayon kung ano ang pananaw ng produksiyon kung paano palalawigin ang original material ni Binibining Mia.
“Gusto kong sabihin na lahat kami storytellers and we take our responsibility as storytellers seriously.
“At para sa mga kaibigan ko sa press na nakasama ko sa journey ko bilang direktor, halos 34 (taon) na akong direktor, mahal na mahal ko ang propesyon ng pagkukuwento.
“At ang pagkukuwento namin ay isang tribute hindi lamang sa materyal, hindi lamang sa mga artista o sa pagka-Filipino natin, kundi ito ay para sa lahat ng manonood saan mang sulok ng mundo sila naroroon, simply because ang kuwento ng ‘I Love You Since 1892’ ay tungkol sa pag-ibig.
“At bilang storyteller, ‘yan ang pinakamasarap ikuwento sa lahat.”
Sa tanong kung kinakabahan siya sa magiging reception ng publiko sa kanilang serye…“Magagaling silang mga artista. Bilang isang beterano sa industriya, hindi lang ito labanan ng pasikatan kundi labanan ng patagalan.
“At tatagal ka kung mahusay ka. So malinaw sa utak ko na ang show na ito na kinabibilangan nila ay magsisilbing isang malaking pundasyon.
“Tungkol ito sa pundasyon ng paano sila magiging mas mahusay pa para mas tumagal sila at mas maraming magawa na makabuluhang proyekto.
“Ang tamang emosyon na naramdaman ko ay excitement. Simply because lahat kami naniniwala sa materyal at alam namin na may mga iniambag kami para mas lalong ma-enhance ‘yung original material on print form.
“So, excited kaming makita ng mga tao kung paano namin ito na-translate onscreen.”
Eere na ang serye simula September 6.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com