Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bela Padilla Mark Lopez Carlo Katigbak Cory Vidanes Rick Tan Laurenti Dyogi Deejaye Dela Paz

Bela Padilla balik-Kapamilya at Star Magic, gustong makatrabaho si Coco 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAGBABALIK-KAPAMILYA si Bela Padilla matapos pumirma ng eksklusibong kontrata sa Star Magic, ang talent agency ng ABS-CBN.

Isang espesyal na homecoming ang pagpirma para kay Bela lalo pa at sa ABS-CBN siya nagsimula bilang bahagi ng Star Magic Batch 15 noong 2007. Inilarawan niya ang pagbabalik bilang isang “full-circle” moment.

Ibinahagi rin niya ang mga hamong hinarap niya noong pandemya at kasunod ng hindi pag-renew ng prangkisa ng ABS-CBN, na nagtulak sa kanya para manirahan muna sa ibang bansa. 

“Sobrang loyal lang siguro ako kaya hindi ko naisip na magtrabaho sa ibang tao. May natanggap akong offers na magteleserye sa ibang kompanya pero mas ginusto ko na lang umalis,” kuwento ni Bela.

Ang desisyon niyang bumalik ay bunga ng imbitasyon mula sa network, na aniya’y patunay sa matibay nilang relasyon. 

“Masaya sa feeling na tinawag nila akong bumalik lalo pa at ngayong lumalakas muli sila,” dagdag pa niya.

Dumalo sa contract signing sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, COO Cory Vidanes, group CFO Rick Tan, entertainment production at Star Magic head Laurenti Dyogi, at Star Magic manager Deejaye Dela Paz at W talent management CEO na si Pia Campos.

Sa ilalim ng kanyang bagong kontrata, inaasahan ni Bela na makakamit ang bagong yugto sa karera na magkakaroon siya ng balanse sa kanyang mga passion. 

“Alam ko na makukuha ko ‘yung suporta mula sa Star Magic na magpatuloy bumuo ng kwento lalo nitong nakaraang taon mas nag-focus ako sa acting. Mas magkakaroon ng balanse,” pahayag niya.

Bagaman hindi pa napag-uusapan ang kanyang mga magiging proyekto, sinabi ni Bela na kung bibigyan siya ng pagkakataon, nais niyang muling makatrabaho si Coco Martin.

Huling seryeng kinabilangan ni Bela ang Pamilya Sagrado at patuloy pa rin siyang nakikita ng manonood bilang guest co-host sa It’s Showtime.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …